Kabanata XXIII: Sampal

1647 Words
Sina Simeon             “ARAY!!! Ayusin mo nga ang pagwawalis mo sa sahig. Huwag mong winawalis ang paa ko dahil hindi ‘yan kalat. Hinayupak na ito! Kagagaling ko lang sa foot spa, tapos wawalisin mo lang ng walang pag-iingat? Hindi ka marunong gumalang!” sigaw sa akin ni manang Carmen. Nandito na ako sa mansyon. Unang gawain ay pagwawalis sa buong palisyo. Hindi ko naman namalayan na dumaan siya kaya nawalis ko siya.             “Sorry po,” hingi ko ng patawad. Wala ako sa buong pagkatao ko. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin ang sinabi sa akin ni Vince.             “V-Vince, anong sinasabi mo?” nangingig ang boses ko. Si Nicole, nakatayo sa gilid namin na bakas din ang pagkabigla.             “Gusto kita, Sina. Liliwagan kita,” pag-amin nito. Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kaniya. This is the first time na may umamin sa akin ng personal na mayroon silang pagtingin sa akin. I don’t know how to react and to feel.             “Hindi ako sanay sa biruan, Vince.” Hindi pa ako handang pumasok sa isang relasyon.             “Mukha ba akong nagbibiro, Sina? Ikaw ang parating nagsasabi na hindi nagsisinungaling ang mga mata.” Hinawakan niya ang kamay ko at kinausap ako gamit ang kaniyang pagtingin sa akin.             “Pero… bakla ako Vince. Isa pa, hindi pa ako handang pumasok sa isang relasyon.” Nilakasan ko ang loob ko. Pinagtapat sa kaniya ang tunay na dahilan. Siguro, kapag natauhan siya na bakla ako, papasok din sa isip niya na mali ang nararamdaman niya sa akin.             “I don’t care! I like you. I know it sounds cliché’ but it’s what my heart says.” Dinala niya ang nanginginig kong kamay sa dibdib niya. Hinakawan ito ng mahigpit at pinarinig sa akin ang t***k ng kaniyang puso.             Hindi ako makasagot. Nalilito ako. Paano ang katulad ni Vince ay magkakagusto sa akin? Mayama siya; straight, mabait at guwapo. Halos masabi ko na ngang perfect siya. Maraming nagkakagusto sa kaniya na magagandang babae na may sinasabi sa lipunan at mga ka-level niya. Pero bakit ako?  Kahit sinabi na niya ang dahilan, hindi pa rin ako nakukumbinsi. May hindi ako matiyak na tanong sa aking puso. Wala kaming pakialam sa paligid.  Tila kami lang ang taong naririto, pati nga ang presensya ni Nicole, hindi na namin pansin. “I feel those waves of questions that are occupying your head right now. But please, allow me to express my love for you.” “Bogsh!” Natigil ako sa pagbabalik ala-ala sa nangyari kanina nang maramdan ko ang pagtama ng unan sa aking mukha. “Nasa oras ka nagpagtrabaho! Huwag kang tumunganga riyan!” Sigaw ni manang Carmen sa akin. “May naalala lang po ako. Saka bakit niyo po binato ang unan sa akin?” medyo napataas ang boses ko. Naramdaman niya ito kaya lumapit siya sa akin at bigla akong binigyan ng isang matunog at malutong na sampal sa kanang pisngi. “Huwag mo akong pinagtataasan ng boses ah! Baka nakakalimutan mo na ako ang tagapamahala ng mansyon at ikaw ay isang katulong lang! Hindi tayo magka-level!” Matapos niya akong sampalin ay hinila naman nito ang bagsak kong buhok na katulad ng sa mga Korean men. “Ah-ahh! Aling Carmen. Bitiwan niyo po ko. Ma-masakit po!” Pagmamakaawa ko. Ang hapdi ng anit ko dahil sa pagsabunot niya. Pakiramdam ko ay hihiwalay na ang buhok ko sa anit ko at maglalagasan na ang mga balakubak ko. Wala akong balak na labanan siya. Baka mawalan pa ako ng trabaho. “Carmen! Bitiwan mo ang buhok ni Sina kung hindi ay isasabit kita sa kisame!” Bilang pagsulpot ni manang Wena. Napabitiw si aleng karmen at bumaling dito. Ako naman ay mabilis na inayos ang sarili ko. “Nakikisali kang katulong ka ah! Palibhasa, paki-alamera ka talaga! Mga bata pa lang tayo ay inggit ka na sa akin! Che! Magsama kayo riyan ng dalawang hampaslupa. Pinanganak kayong katulong at mamatay din kayong katulong tandaan niyo iyan! Mga hinayupak!” pagdadabog ni manang Carmen. Salamat sa Diyos at lumayas na siya sa paningin namin. “Hmmm… galisin ka kasi noong mga bata tayo kaya walang nagkakagusto sa iyo! Sarili mong asawa pinagpalit ka sa bakla!” nadulas na banggit ni manng Wena nang makaalis si manang Carmen. Lumapit siya sa akin at tinanong kung ayos lang ba ako. “Kaya po pala galit na galit sa bakla iyon kasi pinagpalit siya nang asawa niya sa bakla. Ayos lang po ako ate Wena. Buti nalang po at dumating kayo kung hindi ay baka naubos na po ang buhok ko sa anit.” “Hmmm… may sayad talaga ang babaeng iyon. Minsan ay iwasan mo nalang. Kapag hindi na kaaya-aya ang ginagawa ay pukpukin mo ng walis sa noo ng magtanda!” Natawa ako sa tinuro niyang paraan ng pagganti. “Hayaan niyo ho at tatandaan ko ang sinabi niyo. Maraming salamat po ulit ate Wena.” Ngumiti ako sa kaniya. She’s my armor sa mansyon laban kay manang Carmen. “Nay Wena nalang ang itawag mo sa  akin. Parang anak na ang tingin ko sa iyo, Sina.” “Sige po nay Wena. Ang dami ko na pong nanay.” Ang bait niya sa akin. Umalis na siya dahil kailangan pa ring gawin ang trabaho. Ako naman ay pinagpatuloy ko rin ang trabaho ko, hanggang ngayon ay hindi ko pa nakikita si Donya Catripia. Parati siyang may pinupuntahan at hindi na nagkasalubong ang landas namin. Baka may inaayos lang siya about sa mga businesses nila na matagal niyang iniwan dahil nga nag-ibang bansa siya.             ‘Kumusta kaya ang final exam ni Xian? Sana naman ay nakapasa siya. Pinagpuyatan naming dalawa iyon.’ Sa pagod sa trabaho ay hindi ko na malayan na nilamon na ako ng antok.             NAGISING nalang ako dahil sa magkaksunod na pagtapik sa braso ko. Magaspang ang kamay ng taong ito, malapad ang palad niya tanda na isa siyang lalaki. Nabungaran ko si manong Bulog. Mabilis akong napabalikwas nang makita ko ang isang babae na mukhang Diyosa sa katabi niya.             “Sorry po at nakatulog na ako sa sofa. Sobrang napagod lang po sa paglilinis,” pahingi ko ng pasensya at yumuko. Kinapa ko ang mata ko at bibig, baka mamaya ay may muta pa ako at tulo laway. Nakahihiya. Ang babaeng kasama ni kuya bulog na ata si Donya. Nakasuot siya ng dress na kulay itim. Mas lalo pang umangat ang maputi niyang legs. Nakakakaba ang dating niya.             “It’s okay, Sina. You can sleep here all you want. By the way, heads up, I am Catripia.” Narinig ko ang charming niyang boses ngunit may komando. Parang ang bait-bait ni donya at ang sweet-sweet pa.             “He-hello po,” nahihiyang bigkas ko.             “Sorry at ngayon lang tayo nagkita. I have been so busy with my businesses and I hope you enjoy your work here in the Mansion. Is everyone treating you right?” hayag niya. Pumasok bigla sa isip ko si manang Carmen ngunit wala na akong balak pa na i-sumbong siya kay donya.             “Yes po, donya. Masaya nga po rito sa mansyon!” ang masigla kong tugon. “Ang ganda niyo po pala sa personal at malapitan. Malayong-malayo po sa picture na nakasabit sa wall noong unang punta ko rito,” dagdag ko pa.             “Hmmm… I know you want Bonus!” nakangiting wika nito. Kinuha niya ang wallet niya sa bag at dumukot doon ng tatlong libo. Hindi ako nag-expect na para sa akin iyon ngunit nanlaki talaga ang mata ko, as in, nang i-abot niya ito sa akin.             “It’s for you. I heard that you are really studying hard. You deserve this. Go, and treat yourself. Puwede ka nang umuwi at gumala. Mukhang tapos naman na ang trabaho mo,” dagdag pa nito. Hindi man sa mukhang pera ngunit dalawang kamay kong inabot ito dahil sa tindi ng pangangailangan namin.             “Maraming salamat, po!” Maluha-luha kong sambit. Nakita ko si manong Bulog at naka-ngiti rin siya sa akin.             BITBIT ang mapalad na ngiti ay lumabas ako ng mansyon. Nais ko munang tumungo sa palengke bago ako umuwi. Mag-grocery ako. Para akong kasalukuyang lumulutang sa alapaap dahil ngayon lang ako nakahawak ng ganito kalaking pera. Napa-shuta tuloy ako sa galak.             “Ay palakang bato!”             Halos mapada na ako sa gulat dahil sa biglaang pagsulpot ni Kalay sa damuhan.             “Iba ang ngiti ah! Nabinyagan na siguro ang mata mo no! Daks ba?” Siniko niya ako na parang kinikilig.             “Anong daks ang pinagsasabi mo?” kunot noo na tanong ko. Nagpatuloy kami sa paglalakad habang nag-uusap.             “Si baby fafable, Xian! I am sure, nag-flag ceremony iyon noong natutulog at pagising ng umaga ay nakatore na parang flag pole!” Piningot ko ang tainga niya.             “Aray!”             “Nag-review kami sis. Lesson ang pinag-aralan namin at hindi ang parte ng katawan ni Xian. Saka,  straight iyon no. Baka mamaya ay sapakin lang ako noon,” sagot ko.             “Naku! God knows,” kibit balikat niya. “Saan ka ba pupunta ngayon?”             ‘God knows that I am innocent; a human covered with His heavenly grace.’             “Mag-mall! Nakuha ko na ang unang sahod ko. Kaya sumama ka sa akin at ililibre kia nang makatikim ka malang ng masasarap na pagkain.”             “Sis, nota lang ang masarap na pagkain para sa akin. Wala nang tatalo pang iba. Wala pa ring tatalo sa gatas ng notalya!” Kinanta pa nito ang huling lines. Binilisan ko ang paglalakad ko nang maiwanan na siya. Ang bastos ng bibig. Hindi na ako nasanay.             “Wait mo ako ate kong Sina! Kapag naabutan kita, titiklupin ko sa walo ang katawan mo!” ang sigaw niya sa akin. Ginawa pa akong papel ng betla.             “Huwag kang mag-aalala, gagawin ko namang bulalo iyang mga buto mo!” tumatawang saad ko.             
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD