Pain will always be part of our lives. Sina Alonzo ORDINARYONG araw na naman ito para sa akin. Isang Linggo na nga pala kaming naninirahan sa bago naming bahay. Medyo na ninibago pa ako dahil malaki ang bahay para sa aming tatlo. Apat ang kuwarto, ang tatlo ay hindi naman nagagamit. Gusto ko ngang patirahin sila nanay, pero kahit anong pagpilit ko, ayaw nilang iwanan ang bahay namin. Habang tulog ang anak ko ay sinulit ko ang panahon upang magpunas-punas sa bawat sulok ng bahay. Kahit hindi ko man malinis ang lahat, ang mahalaga ay may natapos ako bago magising ang anak ko. Sa kalagitnaan ng paglilinis ay biglang tumunog ang cellphone ko. Hindi ko ito nilalayo sa akin, in-case of emergency. Simula kasi noong nagkabagyo ng malakas parang naging balisa na ako. Kailangan ay updated ako

