Whatever seasons we are in right now. We are not going through it alone. We will always have beautiful days in Him. Sina Alonzo ISANG mapait at hindi inaasahang gabi ang bumago ng buhay naming lahat. Hindi ako nakapaghanda na maranasan ito ng ganito kaaga. Gabi na sana ay kasiyahan lang ang pagsasaluhan namin pero isang malaking trahedya ang siyang dumalo sa munting pagsasalo. Nalagasan kami ng isang pakpak, bigla kaming nanghina at pakiramdam namin, hindi na kami makalilipad pa. “Diko?” Tumingin ako kay Vhina. Hanggang ngayon ay puro pa rin sa ala-ala niya ang mga araw na lumipas. “Totoo bang butterfly na si nanay?” Malungkot ang kaniyang mga mata. Tumingin siya sa mga bulaklak ng yellowbell. Doon ay may nakita siya na isang paruparo na nakadapo sa puluto

