Chapter 02

1639 Words
Gabriella's POV: Inaayos ni Mama ang coat na suot ko. Papunta na kami ng Airport. Nandito na rin si Angelica sa bahay namin. Sasabay na siya samin. "Sigurado ka ba anak? Handa ka na ba talagang umuwi at harapin ang mga taong iniwanan mo sa Pilipinas?" tanong sakin ni Mama. Oh, yes. Nag-improve. Dati, Nanay lang. Ngayon, Mama na! Mayaman na kasi kami. Haha! Joke. Nasanay lang ako. Kesa nama sa Mom? Dad? Ew. Ang landi pakinggan. "Oo naman nu. Ang tapang ko kaya. Pagbuhul-buhulin ko pa sila eh!" pagbibiro ko. Tumawa naman silang dalawa ni Angelica. Tumingin ako kay Angelica na nakaupo sa couch. "Bakit ka tumatawa? Hindi naman kita kausap, ah?" "You're so sungit talaga! Shut up, nga. Bawal bang mag-laugh?!" mataray na sabi niya sabay irap. "Hindi. May sinabi ba akong bawal? Tsaka tumigil ka nga ng kaka-conyo mo na 'yan. Hindi bagay sayo! Nakakasuka. Ang arte mo magsalita. Ew!" sabi ko. Magsasalita pa sana si Angelica pero pinigilan na ni Mama. "Oh, tama na. Tara na. Late na tayo sa flight natin. Angelica, let's go." sabi ni Mama. "So, si Angelica lang ang aayain mo? Hindi ako? Ako ang anak mo, 'di ba? Bakit siya lang ang inaaya mo?" pagda-drama ko kunwari. Tumawa na naman sila. "You're so arte talaga. Let's go na nga!" sabi ni Angelica. Sumakay na kami sa Van namin. May driver kami. Siya ang naghahatid sakin sa school, at siya din ang naghahatid kay Mama sa work niya. Si Mang Berto. Oh, yes. Filipino din siya. Bakit? May angal ka? Malamig talaga ang klima dito sa Canada. Kaya nga naka-coat ako, 'di ba? Hahaha! Pero dahil tatlong taon na ako dito, nasanay na rin ako. Parang 'yung klima sa Pilipinas tuwing December, ganun nalang ang pakiramdam ko sa klima dito. Minsan, nag-ssnow pa. Pinapadala ko pa nga kay Nikko 'yung mga picture ko na nasa labas habang nag-ssnow eh. Iniinggit ko. Mwehehe. "Do you missed them?" seryosong tanong ni Angelica out of nowhere. Tumingin ako sa kanya at tumango. "So much. I missed them so much. When I see them, I will hug them tight. As tight as I can. Until they're dead. HAHA!" pagbibiro ko. Umirap lang siya sakin. "So b***h!" sabi niya. "Yeah, right!" Sa gitna ng pag aasaran namin ni Angelica, hindi namin namalayan na nandito na pala kami sa airport. "Oh, girls. We're here." sabi ni Mama. Bumaba na kami ng sasakyan ni Angelica, habang si Mang Berto naman ay kinukuha ang mga maleta namin na nasa compartment ng sasakyan. "Gosh! I'm so excited to see Philippines! I missed being there so much!" bulalas ni Angelica habang papasok kami ng airport. "Ikaw lang." bulong ko. Sa totoo lang, hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Halo-halo. Hindi ko na mapagtanto kung ano ba talaga ang nararamdaman ko. Isa-isahin nga natin: Na-eexcite, kinakabahan, parang gustong sumuka sa kaba, gusto ko nang mag-back-out, napapangiti sa tuwing maiisip ko sila Kuya, Tatay, Nikko at ang iba pang mga kaibigan kong naiwan doon, at higit sa lahat. . . "Ma. . ." tawag ko sa kanya. "Yes, baby?" "Natatakot ako." 'Yan ang huling emosyon na nararamdaman ko ngayon. At alam ko, 'yan din ang pinaka matimbang. "Bakit? May mumu ba sa airplane?" sarcastic na sabi ni Angelica. Napa-poker face ako ng marinig ko si Angelica. Pero hindi ko nalang din pinansin dahil sa kabang nararamdaman ko. "Face your fears, anak. Hindi ka makaka-alis sa kung nasaan ka ngayon kung patuloy kang magpapaka-duwag, okay? Matapang ka, 'di ba?" pangu-ngumbinsi ni Mama. "Tama! Tama! Aja! Aja!" sabat ni Angelica. Natatakot ako. Natatakot ako na baka bumalik lahat ng sakit na naramdaman ko, three years ago kapag nakita ko si Mike at Faith na masayang magkasama. Parang gusto ko nang mag-back-out. Parang ayoko na. Kanina lang, excited pa ako eh. Bakit ngayon, parang ayoko na? --x Matapos ang ilang oras ng byahe, nandito na kami sa NAIA. Hindi kami nagpasundo kila Kuya at Tatay. Sinabi kasi namin na hindi kami makakarating on time, when in fact, may 12 hours pa bago mag-start ang kasal nila Kuya at Ate Rissa. 8 PM na kami naakarating ng Pilipinas. Hindi ko na matandaan kung anong oras kaming umalis ng Canada. Nakatulog kasi ako sa eroplano. "Anak, nagtext ang Kuya mo. Nalaman niyang ngayon ang uwi natin. Anong sasabihin ko?" sabi bigla ni Mama kaya lalo akong kinabahan. Napatingin naman ako kay Angelica dahil hindi ko na alam ang idadahilan ko. "Ugh, sabihin mo, ikaw lang mag-isa ang umuwi. Mag-ho-hotel muna kami ni Angelica, ah? Dadating ako bukas sa kasal ni Kuya. Pangako, Ma. Babye!" sabi ko tapos hinila ko na si Angelica palabas ng airport. "Hey! Where are we going?!" sabi ni Angelica. "Nasa Pilipinas ka na. Tama na pag-e-english. Sumasakit na ulo ko." sabi ko nalang sa kanya. Nang makalabas na kami ng airport, nakita ko 'yung sasakyan ni Kuya kaya hinila ko ulit si Angelica para magtago sa likod ng sasakyan. Nakita kong tumingin pa sa gawi namin si Kuya kaya lalo akong kinabahan. I'm not yet ready. Ugh! "Hey!" mahinang sabi ni Angelica. "Shh." sabi ko. "Teka! Parang nakita ko si Gab. Akala ko ba, si Mama lang ang umuwi?" narinig kong sabi ni Kuya. "Tanga. Hindi si Gab 'yun. Mas maganda si Gab 'dun, nu." sabi ni Tatay. Phew~ pumasok na sila sa loob kaya sinamantala ko na ang pagkakataon para makahanap ng taxi. Buti pala nahatak ko kaagad ang maleta ko kanina. Kundi, huli kaagad kami. Tinulak ko kaagad si Angelica sa loob ng taxi na nakuha ko at sinabi sa driver na dalhin kami sa isang hotel. Nang makarating kami doon, kumuha kaagad kami ni Angelica ng isang kwarto na may 2 beds. Pumasok kaagad ako doon para magpahinga dahil napagod ako, ah? Humilata kaagad ako sa isang bed. "Bakit ba tinataguan mo pati Kuya at Tatay mo? Pati ba sila, damay sa issue mo sa best friend mo?" tanong ni Angelica. Nakapikit lang ako habang nakahiga. Pero gising ako. Pinapahinga ko lang ang katawan ko. "Hindi ko rin alam eh. Siguro, hindi pa talaga ako handa. Hindi siguro magandang idea na umuwi ako ngayon. Kasi kahit sila Kuya at Tatay, hindi ko pa ready na makita eh." paliwanag ko habang nakapikit. "You know what, hindi ka magiging ready kung forever kang magtatago. You look coward, girl. Akala ko ba, ikaw si Unbeatable? Di ba, kapag sinabing Ubeatable, matapang? Dahil walang nakakatalo? What happen to you?" seryosong tanong niya. "I don't know. Siguro, love makes us really coward." sabi ko nalang. Hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako dahil sa pagod sa byahe, pagod sa pagtatago kila Kuya, at dahil may jetlag pa ako. --x Nikko's POV: Andito na kami sa simbahan. Naglalakad na si Ate Rissa sa aisle habang si Kuya Greg naman ay nakatayo sa harap, hinahantay ang mapapangasawa niya. Nakikita rin ng marami ang pagluha niya. Dahil siguro napaka-tagal niyang inintay ang panahong ito, na mag-iisang dibdib sila ng babaeng pinaka mamahal niya. ♪♫♪ Cause I have runaway, I have runaway, yeah, yeah. ♪♫♪ Habang pinapanood ko si Ate Rissa na dahan dahang naglalakad sa aisle at maraming nanonood sa kanya, bigla kong naisip si Gabriella. Sobrang namimiss ko na ang pinaka-mamahal kong babae. Kailan kaya kami magkikita? Kasi, sa pagkakaalam ko, hindi siya makakauwi ngayon dahil sa final exams nila. Haaay. ♪♫♪ Cause, I, have fallen inlove, with you, no, never, have, I never gonna stop falling inlove, with you. ♪♫♪ Kung hindi niyo naitatanong, kasama ako sa mga abay. Kapartner ko ang kaibigan ni Ate Rissa. Nasa harap na ng aisle si Ate Rissa. Ibinigay na ng Papa nito ang kanyang kamay sa mapapangasawa niyang si Kuya Greg. Nakakatawa mang isipin, pero iyak talaga ng iyak si Kuya Greg. Sigurado ako, maraming babae ang gustong makita ang lalaki na umiiyak kapag ikakasal na sila. Nagsimula na ang seremonya ng kasal at tahimik ang lahat habang nakikinig sa palitan ng vows ni Kuya Greg at Ate Rissa. Habang ako naman ay ini-imagine na sana, kaming dalawa ni Gabriella, umabot rin sa puntong ito. Sa gitna ng pag-iisip ko, napatingin ako sa may pinaka-likod at may nakita akong babae na naka itim na jacket, nakasuot ang hood sa ulo, nakayuko pero mapapansin mo ang suot nitong shades. Sino kaya 'to? Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa at nakita kong naka-simpleng dress pala ang babaeng 'to. Pinatungan niya lang ng jacket. Maginaw ba? Hindi naman, ah? Ang weird naman. At mas lalong weird, napangiti ako, dahil naramdaman ko ang pagtibok ng puso ko. Tiningnan ko rin ang suot niyang sapatos. Kulay violet? Napaka-familiar talaga. Parang nakita ko na ang sapatos na 'yan kay Gab eh. Habang pinagmamasdan ko ang babaeng naka jacket, nakita ko na may kasama pala siyang isa pang babaeng tisay na parang galing sa Amerika. Mahaba ang buhok at ngiting ngiti habang nanonood ng palitan ng sumpaan ni Kuya Greg at Ate Rissa. Nakikita ko rin na parang uneasy na ang babae na naka-jacket. Bakit? Dahil ba alam niyang tinitingnan ko siya? Ugh. . . Nagkakasala ako nito kay Gab kahit hindi pa kami eh. Tumingin nalang ulit ako kay Kuya Greg at Ate Rissa. "You may now kiss the bride!" sabi na kaagad ni pari. "Kyaah! OMG, Gab! I'm so kinikilig!" Napatingin ako sa tumili at nakita ko na ang babaeng tisay pala 'yun. Nakatakip na ang bibig nito ng kamay ng babaeng naka-jacket. Nakita ko rin na tumingin sakin 'yung babaeng naka-jacket kahit na naka-shades at naka-hood siya. Gab? Tinawag niyang Gab 'yung babaeng naka-jacket? Posible kayang. . . Hindi ko na naituloy ang iniisip ko dahil napangiti nalang ako nang makita ko ang paglapat ng labi ni Kuya Greg sa labi ni Ate Rissa. At napangiti rin ako sa naisip ko na si Gab. . . Ay nandito na sa Pilipinas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD