Chapter 03

1844 Words
Gabriella's POV:   Gosh. Sobrang ganda ng set-up ng kasal na 'to. Kinailangan ko pang mag-disguise para hindi ako makilala. Gusto ko sanang sa reception nalang pumunta para kunwari hindi kami sabay ni Mama na umuwi. Eto namang si Angelica, ang KJ. Sabi ko, magdisguise din. Ayaw niya naman. "Ang gwapo nung isang abay, friend. OMG!" bulong ni Angelica na parang kilig na kilig. Nung tiningnan ko naman 'yung sinasabi niya, si Gerald! Oh my God! Sobrang laki ng pinagbago niya! Lalo siyang mas naging lalaking tingnan dahil mas naging build 'yung katawan niya. Pero wala paring ipinagbago ang nararamdaman ko sa kanya. "Gerald Andre David. Kapatid ni Aubrey Grace David." sagot ko. "Ayy. Okay na sana eh. Narinig ko pa 'yung pangalan ng impakta na 'yun. Haaay." sabi pa niya. Hindi ko nalang siya pinansin. Ang arte eh. Sarap bambuhin ng arnis eh. Maya-maya, nagsimula na ang seremonya at nakita ko naman na si Mike ang Best Man. Best friend naman ni Ate Rissa 'yung pumalit sa pwesto ko bilang maid-of-honor. Nandito silang lahat. Si Gerald, Yves, Aubrey, Mike, Faith, Nikko, pati si Tatay, Mama. Ang daming bisita. Mga high school and college friends ni Kuya, mga friends ni Ate Rissa. Nakakatuwa lang na hindi nila pinalampas ang isa sa pinaka masayang araw nila Kuya Greg at Ate Rissa. "Girl, that guy, oh? Look ng look sayo. Baka mamaya, r****t 'yan! Pero ang gwapo niya namang r****t. Kahit siguro sinong babae, magpapa-r**e sa kanya." mahinang komento ni Angel na muntik ko nang ikinatawa ng malakas. Nakita kasi niya si Nikko na tumitingin sakin. Teka, naka-disguise na ako, ah? Naka-shades na ako, naka-itim na jacket ako at nakasuot ang hood sa ulo ko. Hindi na naman na siguro niya ako makikilala nito dahil nakayuko pa ako. Habang on-going ang seremonyas ng kasal, lihim lang akong nakatitig sa mukha ni Nikko. Ang gwapo niya ngayon. Ang laki ng pinagbago niya. Sa halos tatlong taon na hindi kami nagkita kita, ang laki ng pinagbago ng bawat isa. Nakakatuwa dahil nag-grow up na talaga sila. Eto namang si Nikko, argh! Ang awkward. I feel so uneasy. Ang awkward lang dahil kanina pa siya nakatingin sakin. Wala sa kasal ang focus niya eh. Nasa akin. Ang ganda ko daw kasi kahit na naka-disguise ako. Haha. Joke. Nakakainis naman! Nakakaramdam kaya siya na ako 'to? Sana hindi. Dahil mamaya sa reception ko palang balak magpakita sa kanila. "You may now kiss the bride!" "Kyaah! OMG, Gab! I'm so kinikilig!" biglang sigaw ni Angelica kaya mabilis kong tinakpan ang bibig niya. Tumingin ako sa mga taong nasa paligid namin. Syempre, 'yung iba, nakuha namin ang atensiyon ng panandalian pero ibinalik ulit nila ang atensiyon nila kay Kuya Greg at Ate Rissa. Nagsigawan din naman sila na parang kilig na kilig nung sabihin ng pari 'yun eh. Mas malakas nga lang ang boses ni Angelica. Tch. Habang iniikot ko ang paningin ko habang takip-takip ko ang bibig ni Angelica, nakita ko na nakatingin samin si Nikko na parang nagtataka. Narinig kaya niya na isinigaw ng leche na 'to ang pangalan ko? Maya-maya lang, tinanggal ko na ang pagkakatakip ng kamay ko sa bibig ni Angelica at yumuko ulit. "Kahit kailan talaga, pahamak ka, Angelica. Humanda ka sakin mamaya." bulong ko. "S-Sorry. Hehe." Binuksan na ulit ang pintuan ng simbahan dahil lalabas na ang bride kasama ang groom. Napangiti ako dahil napaka-perfect nilang tingnan. Parang destined for each other na talaga. I'm so happy for my Kuya dahil nahanap na niya ang true happiness niya. Dumaan na rin siya sa harap namin at syempre, kinabahan ako ng sobra dahil baka makahalata. Pero buti nalang dahil hindi. Nang makalabas na ang mga bisita, pasimple ko na ring hinila paalis si Angelica sa simbahan. Pupunta na kami ng reception. Hoy! Nagugutom na ako, ha? Nang medyo nakalayo na kami sa mga tao, gusto ko nang sumigaw ng "I'm Free!" pero nagulat nalang ako nang... "Ay, pogi!" gulat na sabi ni Angel. May humila kasi ng braso ko sa kanya at bigla akong niyakap ng napaka-higpit. Hindi na ako nakakilos pa dahil may aftershock pa ako. Joke. Nagulat kasi ako. Baka mamaya, holdap pala 'to tapos may nakaambang patalim sakin. Baka kapag kumilos ako, bigla niya akong saksakin! Naku po. 'Di pa po ako nagkaka-boyfriend. Wag po muna. "Gabby..." Halos matunaw ang puso ko nang marinig ko ang boses niya. Naramdaman ko rin ang pag-init ng mga mata ko. Pero pinigilan ko ang pagtulo ng mga luha ko. Kailangan kong maging matatag. Kumalas siya sa yakap at hinawakan ang mukha ko. "Gabby. Sabi ko na nga ba, ikaw 'yun eh. I missed you so much. Masaya ako na nandito ka na ulit." sabi niya ulit bago ako hinalikan sa noo at niyakap ulit ng mahigpit. "N-Nikko..." "Gabriella?" Napatingin ako sa nagsalita na nasa likod namin. Napahiwalay sa yakap si Nikko at ako naman ay napayuko para maikubli ang mukha ko. Natatakot ako. Nandito sila. Si Mike, Faith, Aubrey, Yves, Gerald pati si Tatay. Si Tatay ang nagsalita. "Gabby?" sabi ni Mike. Unti-unti, inangat ko ang ulo ko at tinanggal ko ang shades na suot ko at nag-wave ng kamay. "H-Hi!" sabi ko na awkward. Napatingin ako kay Angelica at sinenyasan ko siya na tulungan akong makatakas sa mga taong 'to. "Grabe. Namiss kita." sabi ni Mike at lumapit sakin. Niyakap niya rin ako ng mahigpit. I'm so dead. Hindi na ako makakatakas dito lalo na't nakayakap sakin 'tong si Mike. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko pero sumaya ang puso ko nang yakapin niya ako. Kumalas siya sa yakap at si Tatay naman ang lumapit sakin. "Akala ko ba, hindi ka sasabay sa Mama mo na umuwi dito?" tanong ni Tatay. Hinawakan niya ako sa balikat ko. "Ang ganda mo na. Mas lalo ka pang gumanda." Napatingin ako kay Angelica at nakita kong nakatingin siya kay Gerald. Parang nagde-daydream pa. Sira talaga itong babaeng lto. "Ugh, s-sorry. Sabi ko kasi kay Mama, wag niyang sabihin na sumabay kaming umuwi dito eh," paliwanag ko. Hinila ko si Angelica. "Oo nga pala. Si Angelica. Friend ko sa Canada." "Hi po!" masayang sabi niya. "Ha! 'Yan pala ang Angelica Cruz na ikinukumpara mo sakin, huh? Magtutuos tayo mamaya!" singhal ni Aubrey kay Angelica. "Hmp!" react naman nito. Hinila ako ni Aubrey palayo kay Angelica. "Let's go, Gabby. Madami pa tayong pag-uusapan. Tara na sa reception at sobrang namiss kita." sabi ni Aubrey bago kami tuluyang makasakay sa kotse ng forever-boyfriend and soon-to-be husband daw niya na si Yves. Naguilty naman ako bigla dahil naiwan si Angelica mag-isa doon. "Uy, teka. Si Angelica, naiwan." sabi ko. "Hayaan mo siya doon. Si Kuya na ang bahala sa impaktang 'yon!" bulyaw ni Aubrey sakin. Natawa nalang ako. Blessing in disguise pa yata ang paghila sakin ni Aubrey para sa lovestory ni Angelica at Gerald. Kinilig naman ako bigla. Haha! --x Pagkarating namin sa reception, which is, restaurant ng pamilya nila Ate Rissa, ang ganda ng set-up. White, Yellow, Pink ang motif ng kasal nila kaya ang mga gowns na suot ng abay, ganyan ang kulay. Buti nalang, pinagpalit na ako ni Aubrey kanina bago kami dumiretso dito sa reception. Yellow ang suot ko. Nawindang rin ako sa 3-layer cake nila ni Kuya. Ang ganda! Sobrang dami siguro ang ginastos nila Kuya at Ate Rissa dito. 5 months pinaghandaan eh. At hindi lang 'yon. Baka nauna pa silang mag-honeymoon kesa sa kasal kaya ganun katagal ang preparations ng kasal nila. Kung ano-ano pa kasi inaatupag. Haha! Joke. "Gabby!" Napalingon ako sa tumawag sakin at nakita ko naman ang ever-pretty sister-in-law ko na si Ate Marissa. Ang ganda ng ayos niya. Sobrang angelic niya. Alam ko naman na hindi lang ito ang nagustuhan ni Kuya. Isa pa, napaka-angelic din kasi ng ugali niya. "Ate Rissa!" sabi ko at niyakap ko siya. "Grabe! I miss you so much, baby." sabi niya sakin. Kumalas kami sa yakap. "Oo nga, Ate. I miss you too." sabi ko. "Ikaw ah! Nagtatampo na ako sayo. Nandoon ka pala kanina sa church pero hindi ka nagpakita sakin, sa amin ng Kuya Greg mo. Hindi mo ba alam na nalungkot siya ng sobra nung sinabi mong hindi mo kayang maging maid-of-honor sa kasal namin? Naiintindihan naman niya na Finals niyo pero syempre, nalungkot talaga siya dahil gusto niya, nandoon ka. Sayang lang." mahabang sabi ni Ate Rissa. "Sorry, ah? Naduwag eh." tanging nasabi ko. "Okay lang. Ayun Kuya mo. Puntahan mo, dali. Nagtatampo sayo 'yan. Lambingin mo." sabi ni Ate Rissa sabay turo kay Kuya sa 'di-kalayuan samin na nakatingin at nakahalukipkip. Tumango nalang ako kay Ate Rissa at pinuntahan si Kuya. "Congrats, Kuya!" sabi ko sabay suntok sa braso niya. Inirapan niya naman ako, nag-pout naman ako. Hehe. "Sorry na." "Ewan ko sayo! May pa-unbeatable unbeatable pang nalalaman. Duwag rin naman pala." sabi ni Kuya. "Eh, sorry na nga! Kuya naman eh. Sorry kung naging duwag ako. Sorry kung hindi ko ginamit 'yung pagiging unbeatable ko. Sorry na. Alam ko namang kasalanan ko 'to eh." sabi ko ng seryoso. Maya-maya, bumuntong-hininga si Kuya bago tumingin sakin at maya-maya pa, ngumiti siya at niyakap ako. "Okay lang. Naiitindihan ko naman. Alam kong hindi ko naranasan 'yung hirap at sakit na naranasan mo. Pero naiintindihan kita. Wag kang mag-alala. Di naman ako galit. Nagtampo lang ako." sabi ni Kuya habang yakap yakap ako. Sa yakap niyang 'yun, hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko kaya niyakap ko nalang din siya ng mahigpit. "I missed you so much, dude." dagdag pa ni Kuya. "I missed you too, Kuya." Hindi ko pwedeng kalimutan 'yung mga araw na si Kuya lang ang nand'yan para sakin sa tuwing nasasaktan ako. Halos siya lang ang nakasuporta sakin dahil si Tatay, busy sa trabaho. Hindi ko makakalimutan 'yung mga araw na siya lang ang may kayang magpasaya sakin sa tuwing sobrang sira na ako. Ilang sandali pa ay nagsimula na ang selebrasyon dito sa restaurant. Kasama ko na ulit ngayon si Angelica. Syempre, may mga speech pang nalalaman ang mga maaarte, sa pangunguna ni Kuya. De, joke. Haha. Tapos, ayun. Nagkainan at nagsayawan na. Ako, aalis na sana ako pero... "Uh, Gabby..." Paglingon ko sa tumawag at kumalabit sakin, nakita ko si... "F-Faith? B-Bakit?" Anong naisipan naman nito para lapitan at kausapin ako nito? Alam kong hindi na naman na ako galit sa kanya. Alam ko namang nagparaya na ako para sa kanilang dalawa. Pero hindi ko naman ineexpect na ganito. 'Yung lalapit siya sakin, kakausapin ako, at ngayon... Binigyan niya ako ng matamis na ngiti. "Pwede ba kitang makausap?" Makausap? Ano namang dapat pag-usapan namin? Papayag ba ako? Paano kapag pumayag ako? Ano bang pag-uusapan namin? Natatakot akong pumayag sa hinihiling niya. Baka kasi may malaman ako na hindi ko magustuhan. Hindi ko na alam. Pwede bang maging invisible muna? Kahit ngayon lang? Kasi, sa tuwing nakikita ko 'yung napaka-amo niyang mukha, nagui-guilty ako sa mga ginawa ko sa kanila dati eh. At nasasaktan ako. Dahil itong mukhang nasa harap ko, na nakangiti ng totoo sakin, ang mukha ng minahal ng taong mahal ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD