Chapter 04

3416 Words
"Anong pag-uusapan natin, Faith?" tanong ko kaagad sa kanya. Ayoko nang patagalin pa ang pag-uusap namin na 'to, dahil kahit na nakipag-ayos na ako sa kanya bago pa ako umalis ng bansang ito, hindi mo parin maiaalis sa akin ang katotohanang siya ang mahal ng taong mahal ko, hindi ako. Ngumiti siya sakin. "Kamusta ka na? Ang laki ng pinabago mo, Gabby. Grabe, ang ganda mo na." sabi niya ng masaya. Bilang isang tao na marunong kumilatis ng tao, mahahalata ko kaagad kung fake ba ang kausap ko o hindi. Pero base sa nakikita ko, para siyang totoo. De, joke. Ang ganda ko daw kasi kaya sinabi kong totoo siya. Hahaha. De, joke ulit. Marunong talaga akong kumilatis ng tao. Hihi. Ganda ko. "Talaga? Salamat, ah? Eto. Okay lang. Masaya sa malaking pagbabago na naganap sa buhay ko." sagot ko. Ngumiti siya ulit. "Masaya ako para sayo, Gabby. Hanggang kailan ka nga pala mag-sstay dito? Are you staying here for good?" tanong niya. Mahahalata mo naman sa boses niya na ang inaasahan niyang sagot ko ay oo: na mag-sstay ako dito for good. "Ugh, no. Uuwi rin ako the day after tomorrow. Nag-aaral parin ako doon. I know, you all graduated. Pero ako, hindi pa. I still have two years to study how to manage and build my own business." paliwanag ko. Nag-pout siya at nagbuntong-hininga. "Sayang naman. Akala ko, makakasama ka na namin ulit." sabi niya using her sad tone. "No. I can't stay here long enough. Bakasyon, ganun. Canada is my new hometown. Masaya na ako 'dun. Tanggap kasi nila ako whoever I am." Nakita ko naman na parang nagulat siya sa mga sinabi ko. Parang hindi niya inaasahan na sasabihin ko ang mga salitang 'yun. Jusme naman. 'Di pa siya nasanay. Noon pa man, prangka na ako. "Tanggap ka rin naman namin, ah?" giit niya. Hindi ako sumagot. Nag-iwas ako ng tingin. Alam ko naman 'yun. Alibi ko lang naman kasi 'yun para hindi ako mag-stay dito. "Bakit?" "Anong bakit? Simple lang. Ayoko na dito dahil puro sakit lang naman ang memories na nabuo ko dito." paliwanag ko pa. "Really? Hindi ka ba naging masaya kasama kami? Si Aubrey? Si Nikko? Si Gerald? Si Yves? Ako? At si Mike? Hindi ka ba naging masaya sa amin kahit minsan kaya mo nasabi na LAHAT ng memories na nabuo mo dito, puro masasakit?" sunud-sunod niya pang sabi. Hindi agad ako nakapag-salita. Hindi ko rin kasi alam kung ano ang sasabihin ko. Oo. Naging masaya ako kapag kasama ko sila. Pero hindi ko naman pwedeng kalimutan na sila ang nagdulot ng sakit at lungkot sa masaya kong buhay. "Ano pa bang pag-uusapan natin, Faith?" tanong ko ulit. Maka-iwas lang sa usapan. "Galit ka ba?" "Kanino?" "Sa akin. Kay Mike. Sa amin ni Mike." Ngumiti ako sa kanya bago sumagot. "Hindi ako galit, Faith. Nagparaya na ako. Masama bang umalis lalo na't nasasaktan ako na nakikita ko kayong masaya, habang ako nagdudusa? Pwedeng sarili ko naman ang isipin ko? Matagal akong nagtiis para lang makasama ko si Mike. Alam kong ikaw ang mahal niya pero nagbu-bulag-bulagan ako kasi nga, ayokong mawala siya sakin. Tiniis ko lahat. Pero hindi ko rin kinaya, kaya nga nag-give up nalang ako sa feelings ko para sa kanya eh. Kaya nga nag-give way ako eh. Kasi napaka-tanga ko. Alam ko naman na hindi masaya sakin si Mike, pero pinilit ko parin ang sarili ko sa kanya." Napahikbi ako. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako habang nagsasalita. Masakit lang talagang balikan ang mga alaala na nagpasakit sayo ng sobra noon. Pero itinuloy ko parin ang pagpapaliwanag. Hoping na sana, maliwanagan si Faith na hindi na ako galit sa kanila. "Ang tanga tanga ko kasi, alam ko naman na ikaw ang totoong magpapasaya sa kanya, pero inilayo ko pa siya sayo. Pinaglayo ko pa kayo. Feeling ko rin, ako na ang pinaka-tangang tao sa mundo, kasi ipinagsiksikan ko pa ang sarili ko sa kanya, akala ko kasi, magiging masaya ako kapag nasigurado kong ako ang pinili niya. Pero hindi pala. Kasi, habang nasasaktan siya, nasasaktan rin ako. Syempre, mahal ko 'yung tao eh. Alangan naman na maging masaya ako kapag nakikita ko siyang nasasaktan, 'di ba?" Natawa pa ako sa mga sinasabi ko. Hindi ko akalain na makakapag-open up ako sa taong 'to. Hindi ko akalain na masasabi ko sa kanya lahat ng 'to. "Paksyet. Ano ba 'tong mga pinagsasabi ko? Hahaha," huminto muna ako sa pagsasalita at pinunasan ang luha na dumaloy sa pisngi ko. "Alam mo 'yung naramdaman ko nung araw na pinapili ko siya sa ating dalawa? Pumunta siya nun sa kwarto ko. Sabi niya, ako daw ang pinili niya. Syempre, sumaya ako. Pero alam mo 'yung pakiramdam na habang tumatagal, lalong sumasakit? Kasi narealize ko na pinili niya lang ako sa salita. Wala sa aking ang puso at isip niya. Na sayo. Ako 'yung kasama niya, pero ikaw ang iniisip niya. Paksyet, 'di ba?" Nakita ko na tahimik na nakikinig sakin si Faith. Nakaupo kami dito sa isang bench sa labas ng reception. Nakita kong nakayuko siya at alam ko rin na nakikinig siya. "Sabihin mo nga, masasabi mo pa bang sumaya ka kung ang mga taong kasama sa mga nagpapasaya sayo noon ay ang mga taong nagdulot ng sakit sa masaya mong buhay?" Hindi ulit siya sumagot. Pero lumingon siya sakin noon. "Sabihin mo nga rin kung mag-sstay ka pa ba sa lugar na ito, kung nandito lahat ng tao na nanakit sayo?" tanong ko ulit. Pinunasan ko ulit ang luha ko. Alam kong naka-make up ako. Pero maiisip ko pa ba 'yun kung ganito kabigat ang atmosphere dito? Ultimate throwback ng masasakit na araw eh. "Aren't you moved on? Akala ko, sa loob ng kulang three years, naka-move on ka na." sabi niya. "For almost 12 years na magkasama kami bago ako umalis ng bansa, kulang ang almost three years para maka-move on, dahil nakasama ko siya sa buong buhay ko." Marahas kong pinunasan ang luha ko sa pisngi ko at tumayo na. I need to stop this conversation. Dahil ako, nagmu-move on from the past. I don't want to bring everything back. "Kung wala na tayong ibang pag-uusapan pa, aalis na ako." sabi ko at tinalikuran ko na siya. "Gabby, wag ka ng umalis. Please. Alam kong miss na miss ka na ni Mike at sigurado akong masasaktan at malulungkot siya kapag nalaman niyang aalis ka ulit. Ayoko na, Gabby. Ayoko nang makitang miserable si Mike dahil iniwan siya ng pinaka-mahalagang tao sa buhay niya. Ayoko na, Gabby. Please, nagmamakaawa ako sayo." Miserable? Hah! Hindi ko maimagine na magkakaganun si Mike dahil lang sakin. Basta ang alam ko, naging miserable siya nang pinili niya ako. Naging miserable siya dahil pinaghiwalay ko sila ni Faith. Naging miserable siya dahil kay Faith... Hindi dahil sakin. --x Pumasok na ulit ako sa reception at umupo sa table namin nila Angelica at Aubrey. Nandoon rin sila Gerald, Yves, Mike at syempre, si Nikko. Nakita kong nagbabangayan si Angel at Aubrey. "Yuck. You're so panget." sabi ni Aubrey kay Angel with irap pa. "Huh? I'm prettier than you kaya!" giit ni Angel. "Duh? In your dreams!" "Gabby, oh? Inaaway ako ng b***h na 'yan!" "Ako, b***h? Ikaw mukhang Witch!" Natawa naman ako sa inihirit ni Aubrey kay Angel. Nag-pout nalang si Angel sakin nang makita niya akong tumatawa. Actually, pati sila tumatawa. Hindi lang ako. "Ilang taon ka na ba?" tanong ni Nikko kay Angel. Nakita ko naman na nahiya siya. "E-Eighteen po." nahihiya niyang sagot. True naman na bata pa si Angel. 20 na ako eh. Mag-21 na. Ang tanda ko na, pero nag-aaral parin ako. Gosh~ "Pwede na, pare. Hahaha!" natatawa-tawang sabi ni Gerald kay Nikko. "Di, pare. Loyal ako sa babaeng inantay ko ng matagal." sagot ni Nikko dito. Napangiti naman ako sa kanya. Siya rin ay ngumiti sakin. "Ikaw po, Kuya Gerald? Ilang taon ka na po?" tanong ni Angel na parang nagni-ningning ang mga mata. "Ako ba Tisay, hindi mo tatanungin?" natata-tawang sabi ni Yves. Hinampas naman siya ni Aubrey. "Joke lang, baby. Ikaw lang naman ang love ko." Ano ba 'to. Ang landi talaga ng dalawang 'to. Tsk. "Haha. Don't mind them nalang. 21 na ako." sagot ni Gerald. "Omg. You're conyo, too. So cute. Bagay tayo. Hihi." kinikilig na sabi ni Angel. Whutt? Itong bata talaga na 'to, ang tabil ng dila. "Wow. Hahaha. Sorry, hindi ako pumapatol sa bata." "Amp. I'm not bata anymore. I'm 18, turning 19. I'm not a girl. I'm a lady with class." "What the-! Lady with class? Where is the class? Wag ka ngang feeling. Hindi ka papatulan ng Kuya ko!" singit ni Aubrey. "Shut up! I'm not talking to you." sabi ni Angel dito. "Haist. Kuya, wag ko lang mababalitaan na girlfriend mo 'tong bata na 'to, ha? Kundi, sasabihin ko kay Daddy na may girlfriend kang 12 years old!" sabi ni Aubrey kay Gerald. "Don't worry, sis. Hindi ako pumapatol sa mas bata sakin ng 3 years pataas." Nakita ko naman na nalungkot si Angel sa mga sinabi ng magkapatid. Hindi ko naman pwedeng sisihin 'yung dalawang 'yun. Mababait naman sila. Si Aubrey, sadyang ganyan lang 'yan. Pero mabait 'yan. At si Gerald, honest lang siya sa nararamdaman niya. Remember the time na pumunta kaming coffee shop isang umaga? Nagkita kami doon then he told me na nagka-crush siya sakin from the day na nagkita kami. That was our Christmas Party. 'Yung party na in-arrange ni Faith at ng ibang special sections. Magsasalita sana ako at sasabihin ko sana kay Angel na wag nalang isipin masyado ang mga sinabi nila Aubrey pero nagsalita na ang MC. Nag-start na ang program para sa kasal ni Kuya at Ate Rissa. May mga interview pa with the special guests. Ang arte naman. Joke. Haha. Kapag kinasal ako sa taong mahal ko, gusto ko, lahat masaya. Super bongga ng kasal ni Ate Rissa at Kuya Greg. Ayoko ng ganito. Gusto ko, simple lang. Pero alam kong masaya. Ilang sandali pa ay sinimulan na nila Kuya at Ate Rissa ang sweet dance. Awts. Kinikilig ako. Ene be~ "They are so sweet. They really love each other talaga." bulong sakin ni Angel habang nakatingin kay Kuya at Ate Rissa na nagsasayaw ng nakangiti. "Yes. Super love ni Kuya si Ate Rissa. I remember one time na nag-away sila ni Ate Rissa. Kuya's crying beside me. Sabi niya, 'yun na ang pinaka matinding away nila ni Ate Rissa. That day, siguro 2 months before ako umalis ng Pilipinas." paliwanag ko. Totoo 'yun. Itinuloy ko ang pagkwento kay Angel. Nagselos kasi si Ate Rissa. Nakita yata ni Ate Rissa si Kuya na may kasamang babae sa mall. Tinext kasi ni Ate Rissa si Kuya na magshopping daw sila. Sabi ni Kuya, busy siya at may gagawin pa daw. So, mag-isang nag-mall si Ate. Then, ayun. Nakita nga ni Ate Rissa si Kuya sa mall na may kasamang babae. Naka-kapit pa sa braso niya 'yung babae, ah? 'Yun pala, may materials lang sila na kailangan para sa work nila. At 'yung babaeng 'yun, ka-trabaho lang nila. Nasabi rin sakin ni Kuya na, may gusto nga sa kanya 'yung babae. Sinubukan niya namang iwasan pero sobrang clingy daw ng babae. Sobra ang iyak ni Kuya nang sinabi sa kanya ni Ate Rissa na magbreak na sila. Ayaw niyang pumayag kaya gumawa siya ng paraan para hindi mawala sa kanya si Ate Rissa. He resigned sa work niya at lumipat ng bagong company. Marami namang humahabol na kumpanya sa kanya dahil magaling siyang Engineer eh. "Really? Your Kuya is so sweet. Sana ma-meet ko rin ang ganyang klaseng lalaki. Pero... Bakit he didn't proposed?" tanong pa ni Angel. "Sinabi ko rin sa kanya 'yon. Pero sabi niya, ayaw daw ni Ate Rissa na madaliin ang ganoong bagay kaya ayun. Nag-resign nalang siya sa trabaho." sagot ko. "Wow. Such a great man." nasabi nalang ni Angel. Tumango nalang ako. Pagtingin ko sa table ko, wala na sila Aubrey at Yves, pati si Mike, wala na rin. Pumunta na siguro siya sa girlfriend niya. Nakita ko sila Aubrey na nagsasayaw na. Pati si Mike at Faith. Ang naiwan nalang dito ay Ako, si Angel, si Gerald at si Nikko. "Ugh..." sabi ko. Ang awkward. Hindi ko kaya ang atmosphere dito. Kakausapin ko na sana si Angel nang may lumapit sa kanyang unknown guy. "Hi, miss. Can I have this dance?" tanong nung guy kay Angel. "Uhm..." panimula ni Angel. Tiningnan niya si Gerald na parang sinasabing isayaw niya siya, pero sinenyasan lang siya ni Gerald na parang sinasabi na, Go Ahead. Ouch. Sumama nalang si Angel sa guy and nagsayaw na sila sa dancefloor. Awts. Buti pa siya. Tatlo nalang kaming natira dito. "Ugh..." I need excuses. Kailangan kong umalis sa lugar na 'to. Ang bigat ng atmosphere! "Wait lang, ah?" pagpapaalam ko sa kanila. Tumayo ako at tumalikod sa kanila. Hindi pa ako nakaka-tatlong hakbang nang may humawak sa braso ko at hinila akos a dancefloor. "G-Gerald..." "Hi." sabi niya. Hindi ako gumalaw. Nakatayo lang ako habang siya naman ay nakahawak sa bewang ko. Nang mapansin niyang hindi ako gumagalaw, inilagay niya ang dalawang kamay ko sa balikat niya. "Why so cold? Di ka naman ganyan nang iwan mo kami, ah?" sabi niya. Aray. Talaga bang 'nang iwan mo kami' ang words? Hindi ba pwedeng, 'nang umalis ka'? "Uhm, sorry." sabi ko nang nakayuko. "It's okay," he leaned forward to me then hug me while we're dancing. "Grabe. I missed you so much, Gabby. Hindi ko akalain na dadating pa ang araw na makikita kita at magiging ganito tayo kalapit sa isa't-isa." bulong niya sakin. "Wow. Lalim. Haha." sagot ko. Sorry, wala akong masabi eh. Lumayo siya ng konti but we're still dancing. Tumawa siya. "Just like the old Gabby na nakilala ko. Trashtalker. Haha. So, how's your life in Canada?" tanong niya. "I'm fine. Cold weather. Masaya. Busy. Ikaw?" "Masaya. I had a lots of girlfriends way back then. Pero ni-isa sa kanila, walang pumantay sayo. Nag-iisa ka lang. Masaya ako nung mga panahon na wala ka. But the truth is... Sobrang saya ko kapag kasama ka." He lean forward to me again and hug me. Nakapatong ang chin niya sa balikat ko. "I thought I've moved on. Pero when I saw you kanina, my heart beat is so abnormal. Akala mong nakikipag-habulan kay Vice Ganda. Haha. But really, I missed you so much." Na-to-touch ako. Gerald is the sweetest person I've known pagdating sa ganitong bagay. Si Nikko kasi, serious type siya but sweet, too. Pero si Gerald, iba. He always make fun of his feelings kaya akala ko tuloy, hindi siya seryoso sa nararamdaman niya. Akala ko nga rin, siya 'yung tao na hindi marunong mag-seryoso sa isang relationships eh. Akala ko, isa ako sa mga babaeng target niyang mapaibig and saktan in the end. But it was epic na siya pala ang nagmahal sakin and siya rin ang nasaktan in the end. Everything happens abruptly. I didn't plan to hurt him. Pero hindi mo naman pwedeng sabihin na you love him too when the truth is hindi para lang hindi siya masaktan, 'di ba? "Alam mo namang hindi ko pwedeng higitan ang pagkakaibigan na mayroon tayo 'di ba?" sabi ko. "I know. But, I'm willing to take this chance. I still love you, Gabby. Walang pinagbago. Alam kong wala nang pag-asa na maging tayo. Pero hayaan mo naman akong mahalin ka. Just let me love you. Hindi naman ako humihingi ng kapalit eh." paliwanag niya. "P-Pero-" Kumalas siya sa pagkakayakap niya at hinawakan ako sa dalawang balikat ko. "Gabby, wag mong sabihing iiwanan mo na naman kami." sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko. Yumuko ako. "I'm sorry." mahina kong sabi. Mahina lang ang pagkakasabi ko nun. Pero alam kong narinig niya 'yon. Unti-unti, bumaba ang kamay niya na nakahawak sa dalawang balikat ko. Dumaan sa braso ko ang malalambot niyang kamay hanggang sa hawak na niya ang dalawang kamay ko. "No, Gabby. You can't do this to me again. You can't do this to us. Hindi mo na ulit kami pwedeng iwan. Matagal na panahon na ang ibinigay namin sayo para makapag-isip at makalimot sa lahat ng sakit na naramdaman mo noon. Isn't it enough para mag-stay ka naman dito ulit?" Humigpit ang hawak niya sa mga kamay ko. Bakas sa boses niya ang galit. Alam ko naman na magagalit sila kapag nalaman nilang aalis na ulit ako. Pero hindi pa talaga ako handa. You can't blame me. Alam kong unbeatable ako sa paningin ng iba. Matapang. Walang inuurungan. Pero hindi naman bakal ang puso ko. Nasasaktan rin naman ako. At 'yung totoo... duwag akong tao. Kaya hindi pa ako handa na harapin at makasamang muli ang mga taong naging parte ng masakit na nakaraan ko. "G-Gerald, I need to-" "Gabby," Napalingon ako sa tumawag samin. Napangiti ako. Bumitaw ako sa hawak ni Gerald kahit na napakahigpit nito. "Oh, Yves!" sabi ko at nakipag-bro-fist sa kanya. "Pre, sasayaw ko muna ang Prinsesa namin, ah?" sabi ni Yves kay Gerald. Tumango lang ito at umalis na. "Hindi kita nakausap kanina. Inunahan kasi ako ni Faith eh. Tsk. So, kamusta na, pre?" sabi niya. "Ayos lang naman, pre. Wala naman akong pinagbago. Gumanda lang ako lalo." sagot ko. Napa-poker face naman siya. "Tapang ng hiya, oh? Samantala dati, hindi niya masabi sa sarili niyang maganda siya dahil hindi pa siya marunong magsuklay. Tsk." sabi niya. Sinuntok ko naman siya. "Syempre, nag-grow up na kasi ako. Common sense, where art tho?" sagot ko sabay irap. Natawa naman kami pareho. "Alam ko naman 'yun. Alam ko naman na may magbabago sayo kahit na kaunti simula nang umalis ka. Ayaw man namin na iwan mo kami, pero alam naman namin na makakabuti parin sayo na mapag-isa. Bukod na magma-mature ka, gaganda ka pa. Hahaha. Joke, pare." Inambaan ko na naman kasi ng suntok kaya binawi niya. Namisss ko naman 'tong ugok na 'to. "Namiss ka namin, Gab, alam mo ba 'yun?" sabi niya. "Alam ko. Sino bang hindi makaka-miss sa isang Gabriella Manlapaz?" pagyayabang ko. "Yabang mo." sabi niya. "Hindi no. Just stating the fact." "Weh. English." "Hindi. Korean." "Ahh. Akala ko, Tagalog." Nag-asaran pa kami ng nag-asaran ni Yves bago dumating sa isang serious talk na sinimulan niya. "Anyway, alam mo, ang daming nangyari simula nung umalis ka. Sigurado akong iku-kwento sayo ni Aubrey 'yun lahat. Hindi ka na naman na babalik sa Canada, 'di ba? Dito ka na ulit?" sabi niya. Ngumiti ako ng maliit at nag-iwas ng tingin. Bumitaw na ako sa pagkakahawak ko sa balikat niya at tumigil na sa pagsayaw. Ganun rin siya. "Mamaya naman. Sumasakit na paa ko eh. Upo muna tayo." sabi ko. Tumango naman siya. Pagkabalik namin doon sa table namin, nakita ko si Angel na mag-isa doon at nakapangalumbaba at nakasimangot. Umupo ako sa tabi niya. Tumingin siya sakin. "Anyare sa mukha mo?" tanong ko. "Wala." sabi niya. "Ano nga?" pangungulit ko. Bumuntong hininga siya at umayos ng upo bago uminom ng lady's drink na nasa table namin. "Ang sakit kasi magsalita ni Aubrey eh." malungkot na sabi niya. "Bakit?" "Sabi niya, childish daw ako. Hindi daw ako magugustuhan ng Kuya niya. b***h talaga nung girl na 'yun. Por que Kuya niya 'yung gusto ko, may karapatan na siyang ganunin ako? Haaay." Natawa naman ako. Totoo naman 'yung sinabi ni Aubrey na childish siya. Pero childish is a negative term doon sa Canada. Childlike dapat kasi cute naman siya tingnan kapag nag-iisip bata eh. "Ano ka ba? Ganun lang talaga 'yun. Hindi naman siya seryoso sa mga sinasabi niya sayo eh. I swear, mabait 'yun. Be patient nalang. Pero she's one of the best girl friend I've ever had. Ngayon palang kasi kayo nag-meet kaya mo nasasabi 'yan pero when you find out the real Aubrey, mag-eenjoy ka sa company niya." paliwanag ko. "Haay. No, thanks. Andyan ka naman eh. Hindi ko na kailangan ng ibang friends. I'm contented with Gabriella Manlapaz." sabi niya. Natawa naman ako doon. Nagku-kwentuhan kami ni Angel nang may kumalabit sa likod ko. Hindi ko na sana papansinin dahil baka hindi ko kilala 'yung kumakalabit sakin. Pero nang tawagin niya ako sa isang pangalan na alam kong siya lang ang may karapatan na tumawag sakin nun, na-estatwa ako sa kinauupuan ko at naramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Ngayon ko nalang ulit narinig na tawagin niya ako noon kaya hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. "Mangkukulam," Kapre...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD