"Bakit?" panimulang tanong sa akin ni Mike nang magsayaw na kami sa gitna ng dance floor.
"Bakit? Anong bakit?" takang-taka kong tanong.
"Ano ba, wag ka na ngang mag-maang-maangan. Alam mo kung ano ang ibig sabihin ko." sabi niya ng nakatingin sa mga mata ko.
He's all grown up. Napaka-laki ng ipinagbago niya. Mas matangkad siya ngayon. Mas gumwapo. Mas na-build ang katawan niya ngayon kesa dati. Hindi ko alam pero feeling ko, nagsisi ako sa ginawa kong pag-iwan sa kanya.
"Gabby..." sabi niya pa nang mapansin niyang hindi ako sumagot sa tanong niya.
Sa tanong na... Bakit?
Bakit? Ano ba ang ibig niyang sabihin?
Bakit ako umalis?
Bakit hindi ako nagpaalam sa kanya bago ako umalis?
Bakit ko siya iniwan?
Bakit ngayon lang ako bumalik?
Maraming tanong ang pwedeng mabuo sa salitang bakit. Pero hindi ko talaga alam kung alin sa mga tanong na 'yun ang bakit niya.
"Maraming pwedeng mabuong tanong sa salitang bakit. Alin ba kasi 'dun ang tanong mo?" sabi ko. Yumuko siya at nagbuntong-hininga.
"Bakit mo ako iniwan nang walang paalam?" nakayuko at mahina niyang tanong.
♪♫♪ And that was the day that I promised
I'd never sing of love
If it does not exist. ♪♫♪
Halos sumabog ang dibdib ko nang marinig ko ang boses niya habang sinasabi ang tanong niyang 'yun. Hindi ko alam kung anong isasagot ko kaya matagal bago ako nakapagsalitang muli.
"Dahil pinalaya na kita." tangi kong nasabi.
"Pero hindi sapat na dahilan 'yun para iwan mo ako ng walang paalam," giit niya. Napayuko ako dahil medyo tumaas ang boses niya. "Gabby, sabihin mo lahat ng dahilan mo kung bakit mo ako iniwan ng walang paalam. Gusto kong malaman. Ang tagal ko nang naghahanap ng sagot sa katanungan kong 'yan. Pero ikaw lang ang makakasagot dyan. Please."
Natahimik ako. Ano ba ang dahilan ko? Marami. Kailangan ko pa bang isa-isahin ang mga dahilan na 'yun? Ahh. Hindi. Isu-summary ko nalang. Joke.
"K-Kasi..."
Kasi ano? Argh. Gabriella, matalino ka sabi ng prof mo kaya wag kang ma-mental block sa simpleng katanungan ng bestfriend mo!
"Kasi an-"
"Wait lang! Nate-tense kasi ako!"
Nagmamadali kasi eh. Narinig ko naman na tumawa siya dahil sa sinabi ko. Niyakap niya ako at nagsalita ng mahina.
"Sige na. Take your time."
Napangiti ako. Yumakap ako sa kanya pabalik at ipinatong ang baba ko sa balikat niya.
"Umalis ako kasi masasaktan lang ako lalo kapag nanatili ako malapit sa inyo. Umalis ako kasi ayokong makita kayong masaya ni Faith. Nasasaktan ako. Nagparaya ako dahil gusto kong maging masaya ka. Ayokong nakikita kang umiiyak dahil nasasaktan ka. Nasasaktan din kasi ako eh." paliwanag ko habang magkayakap kami at nagsasayaw.
"Sana nagpaalam ka man lang. Hindi mo alam kung gaano ako ka-miserable nang umalis ka. Hindi mo alam kung anong sakit ang naramdaman ko nung maabutan ko sila Kuya Greg dito na kakagaling lang sa airport. Umalis ka na pala. Wala pa akong kaalam-alam. Nangako tayo na hindi natin iiwan ang isa't-isa, 'di ba?" mahabang sabi niya.
"Alam ko kasi na pipigilan mo ako. At alam ko naman na kapag pinigilan mo ako, bibigay ako. I'm sorry. Natakot lang ako. Naduwag. Sorry kasi tinakasan ko lang ang problema ko. Sorry kasi napaka-duwag kong tao."
Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko. Naramdaman kong humigpit ang yakap sakin ni Mike.
"Okay lang naman maging duwag eh. Pero wag mo naman kalimutan na sa tuwing nararamdaman mong naduduwag ka, nandito ako para patapangin ka ulit. Pwede rin naman na sabay tayong maduwag sa bagay na kinatatakutan mo eh."
Pinunasan ko ang luha ko pero ganun parin ang posisyon namin.
"Eh ikaw nga 'yung dahilan kung bakit ako naduduwag eh." natatawa-tawa kong sabi habang umiiyak.
"Alam mo, naisip ko lang, sana hindi mo nalang ako pinalaya."
"Bakit?"
"Kasi ayokong umalis ka."
"Pero ayokong makita kang nalulungkot at nasasaktan sa tuwing magkasama tayo. Ako ang nagsimula nang lahat ng 'to kaya ako rin ang may kakayahan na tumapos. Ako ang umipit sayo sa sitwasyon kung saan alam kong masasaktan ka once na magdesisyon ka. Kaya, ayun. Tinapos ko na lahat ng paghihirap mo." paliwanag ko.
Kumalas siya sa yakap at hinawakan ako sa dalawang balikat ko.
"Basta huwag mo na ulit akong iiwan, ha? At kung aalis ka man, please. Magpaalam ka sakin, okay?"
Ngumiti lang ako sa kanya bilang tugon sa mga sinabi niya. Hindi ko rin naman alam kung ano isasagot ko eh. At bilang tugon niya sa pag-ngiti kong 'yon, ngumiti rin siya sakin bago hinawakan ang mukha ko at hinalikan ako ng matagal (mga 3.5 seconds) sa noo.
--x
Matapos naming magsayaw ni Mike, lumabas ako ng venue para lumanghap ng sariwang hangin. May dalawang tao akong nakita na magkasama. May hawak silang dalawa ng kupita na may laman na red wine. Hindi ko maaninag 'yung mukha nilang dalawa dahil medyo madilim sa pwesto nila. 8:30pm na rin kasi at maya-maya lang ay matatapos na ang party sa reception.
"Oh? Siya pala." sabi ng babae.
"Oo." Nikko?
"Ang ganda niya. No wonder nagustuhan at minahal mo siya."
"Hindi lang naman dahil sa maganda siya kaya ko siya nagustuhan eh. Nagustuhan at minahal ko siya dahil matapang siya. Dahil kakaiba siya."
Nagtago ako sa poste na malapit sa kanila para hindi nila malaman na nakikinig ako ng usapan nila. Grabe, Nikko. May ipinalit ka na kaagad sakin? Akala ko ba, ako lang? Sino 'yung babaeng kasama mo na 'yan? Nakakapag-init ng ulo ah?
"Talaga. Nakakainggit naman. Buti pa siya," Huh?
Narinig kong tumawa si Nikko at ginulo ang buhok ng babae saka ito inakbayan.
"Wag ka nang mainggit. Darating din 'yung lalaking para sayo." sabi ni Nikko sa babae.
Ngumiti ang babae at ibinigay ang kupita kay Nikko.
"Uuwi na ako. Medyo malalim na rin kasi ang gabi." sabi ng babae.
Fhudge. Ang ganda ng babaeng kasama ni Nikko! Nakakainis! Paksyet! Marunong kaya 'tong mag-arnis? Ma-hamon nga.
"Hatid na kita."
"Wag na. Ipasok mo na 'yang mga baso na dala mo at kausapin mo 'yung babaeng mahal mo. Miss mo na siya, di ba? Sige na. Bye." sabi niya at tinalikuran na si Nikko saka sinimulan maglakad palayo.
Habang sinasabi nung babaeng 'yun ang mga salitang binitawan niya kay Nikko, may nakita ako sa mata niya. Parang nakita ko 'yung sarili kong mata sa mga mata niya. Hindi ko alam pero feeling ko, pareho kami ng pinagdadaanan.
Nang mapansin kong paalis na si Nikko, lumabas ako sa pinagtataguan ko at sinitsitan siya.
"Pst!"
Lumingon-lingon pa siya na parang hinahanap niya kung sino ang sumitsit na 'yun.
"Nikko!" tawag ko sa kanya.
Lumingon siya sa likod niya kung saan ako naroroon. At nang makita niya ako, ngumiti siya ng malaki bago ibinaba sa kung saan ang dalawang baso na hawak niya.
"G-Gabby..." sabi niya at lumapit sakin. Magkaharap na kami ngayon. Nakangiti kami pareho sa isa't isa.
"Ang gwapo mo ngayon." sabi ko.
"Matagal na akong gwapo." sagot naman niya. Sinuntok ko naman siya. "Pero seryoso, sobrang laki ng pinagbago mo. Ang ganda ganda mo ngayon. Mas pa kesa sa dati."
Nailang naman ako 'dun. Na-feel ko rin 'yung pamumula ng mukha ko kaya nag-iwas ako ng tingin.
"Uhm, sino 'yung babaeng kasama mo kanina? Ang ganda niya." pag-iiba ko ng usapan.
"Ahh. Si Rhianne. Best friend ko. Ipapakilala kita sa kanya bukas," nakangiti niyang sabi.
Rhianne? Best friend? Kaya ba parang nakita ko 'yung sarili kong mga mata sa mga mata niya dahil nasasaktan siya?
"A-Ahh. T-Talaga? Sige."
Mahabang katahimikan ang pumagitna sa amin pero nakatingin lang kami sa isa't-isa. Sa huli, ako rin ang nag-iwas ng tingin.
"Uhm, so... kamusta?" sabi ko at nagsimulang maglakad. Sumabay naman siya sakin sa paglalakad.
"Okay lang naman. Pero mas okay ngayon."
"Bakit?"
"Syempre. Kasama na ulit kita."
Na-guilty naman ako bigla doon. Hindi ko masabi sa kanila ni Mike na aalis rin ako bukas or sa isang araw. Sigurado kasi akong masasaktan sila.
"Uhm, ano bang dapat kong sabihin? Hahaha." sabi ko.
"Na-miss kita, Nikko. At ang gwapo-gwapo mo. 'Yan lang. Tama na 'yan. Masaya na ako kapag narinig ko 'yan sayo," sabi niya. Binatukan ko tuloy. "Aray!"
"Ang yabang mo talaga."
"Totoo naman 'yung sinasabi ko eh."
Natawa nalang ako sa facial reaction niya. Grabe, dati ang seryoso ni Nikko. Ngayon, hindi na.
Lumapit na sakin si Nikko at pinagsalikop ang mga daliri ng kamay namin. Magkahawak-kamay kami habang naglalakad-lakad dito sa labas at pinag-ssway-sway ang mga kamay namin.
"Namiss kita Gabby. Sobra." sabi niya.
"Ako rin naman. Sobra kitang namiss." sagot ko.
"Binaligtad mo lang sinabi ko eh."
"Binaligtad ko lang ba sinabi mo?" pang-aasar ko sa kanya.
"Ginagaya mo naman ako ngayon."
"Ginagaya ba kita?" natatawa-tawa kong sabi.
"Mahal kita."
Natahimik ako sa salitang sinabi niyang 'yun. Kinilig naman ako 'dun. Pero naisip ko rin, mananatili pa bang totoo ang mga salitang 'yan kung malalaman niyang iiwa ko lang rin sila?
Huminto ako sa paglalakad at mabilis na hinalikan si Nikko sa labi na siyang ikinagulat niya. Tinawanan ko lang naman siya.
"I-Ikaw-"
Hindi niya maituloy ang sasabihin niya. Hindi ko rin alam kung bakit. Bigla kasi siyang humawak sa batok niya at ngumiti. Maya-maya, nakita kong namula ang mga tenga niya.
"Wahahahaha!!! Kinikilig ka sakin?! Wahahahaha!" pang-aasar ko sa kanya.
"H-Hoy! Hindi no! S-Sinong kinikilig? Baka ikaw? H-Humanda ka sakin!"
Pagkasabi niya niyan, tumakbo ako palayo sa kanya dahil alam kong hahabulin niya ako. Pero syempre, anong laban ko sa kanya kung naka-heels ako? Ayan. Nahuli niya ako.
Isinandal niya ako sa isang kotse habang nakahawak sa dalawang balikat ko. Ngumisi siya kaya napalunok ako.
"Ikaw ah? Sana kasi sinasabi mo sakin na gusto mo ng kiss mula sakin. Hindi 'yung ninanakawan mo ako."
Umirap naman ako sa kanya. Ang yabang kasi. Ang gwapo pa. Kainis.
"Tss. Yabang. Hindi no."
"Huh? Talaga lang, huh?" pang-aasar niya pa.
Inilapit niya ang mukha niya sakin lalo kaya napa-atras ako.
"N-Nikko,"
"Hmm?"
What the? Ang hot niyang tingnan nung nag hmm siya sakin.
Unti-unti pang lumapit ang mukha niya sakin kaya napapikit ako. Ugh, anong gagawin niya? Ni-kiss ko na siya, ah? Abusado naman siya.
Tsk. Ang tagal naman. Dumilat ako at nakita kong malapit na malapit parin ang mukha niya sakin. Ngumiti ulit siya.
"Naiinip ka na?"
Unconsciously, napa-tango ako. Ngumiti siya lalo. Tututol sana ako pero huli na. Dahil nahuli na niya ang labi ko. After din ng ilang segundo, binitawan na niya ang labi ko.
"Hindi mo ako namiss." sabi niya. Natawa ako.
"Hindi."
"Kasi, sobrang miss na miss lang, ganun?"
"Hindi rin."
"Eh, ano pala?"
"Sobrang nangulila lang."
Pagkasabi ko niyan, iniyakap ko ang mga braso ko sa batok niya at ako naman ang humalik sa kanya. Naramdaman kong humawak ang mga kamay niya sa likod ko.
Grabe, miss na miss ko siya. Sobra. Hindi ko alam kung paano ako naka-survive sa Canada for three years ng wala siya. Sobrang laki ng kulang sa buhay ko ng magtira ako doon. Wala si Tatay, Kuya, ang mga kaibigan ko, si Aubrey, Gerald, Yves, si Faith, si Mike n best friend ko, at siya, si Nikko. 'Yung taong mahal ko.
Sa ngayon, hindi ko pa kayang lagyan ng label ang meron kami. Hindi pa ako ready na makipag-commit dahil alam ko sa sarili kong may nararamdaman pa ako kay Mike. At babalik pa ako ng Canada, 'di ba? Mahal ko si Nikko. Sobra. Pero hangga't hindi namamatay ang pagmamahal ko kay Mike, hindi ako makikipag-commit sa kanya. Gusto ko kasi, kapag naging kami, 'yung pagmamahal ko, naka-focus lang sa kanya. Kaya sapat na sakin sa ngayon na mahal namin ang isa't-isa.
Ilang saglit lang ay kumalas na ako sa kiss namin. Niyakap niya ako kaya niyakap ko rin siya.
"Gabriella, I missed you so much. I really really missed you so much. D*mn. I love you very much. Hindi ko na alam ang gagawin ko kapag nawala ka ulit sakin."
Hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya at pumikit kasabay ng pag-tulo ng luha ko mula sa mga mata ko nang marinig ko ang mga salitang binitawan niya sakin.
Paano ko makakayang iwan ka ulit kung ipinaparamdam mo sakin na hindi na ako dapat umalis pa dito? Pero anong gagawin ko? Kailangan kong umalis at magpakalayo-layo ulit para mapatay ko lahat ng nararamdaman ko para kay Mike.
Para din naman sa amin ni Nikko ang gagawin ko eh. Gusto ko kasi, ibigay ko ng buong buo ang puso ko sa kanya. Gusto kong makasiguro na kanya na ako ng buong buo kapag naging kami na.
Pero kapag dumating naman ang araw na 'yun... ako parin ba ang nilalaman ng puso niya? Ako parin ba ang nag-iisang may-ari ng puso niya? Akin parin ba siya?
Napaka-raming tanong ang pumapasok sa isip ko. Naguguluhan ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko.
"I love you too, Nikko. I love you."