Nikko's POV:
"Hello? Paalis na si Gabby. Be ready, okay?" sabi ni Kuya Greg mula sa kabilang linya.
"Yes. Basta, wag masyadong malakas mamaya, ah?" sabi ko naman. Tinawanan niya lang ako bago binaba ang tawag.
"Sigurado ka ba sa gagawin mo?" sabi ng college best friend ko na si Rhianne.
"Oo nga, 'tol. Di mo naman kailangang gawin 'yan eh. Mapapakiusapan naman siguro si Gabby. Sigurado akong hindi niya magugustuhan 'to kapag nalaman niya 'yung plano niyo ni Kuya Greg." dagdag pa ni Mike.
Nandito kami sa gilid ng kalsada. Nasa loob kami ng sasakyan. Inaantay namin na dumaan ang Van na sinasakyan ni Gabby papunta ng airport. Alam ko ang plano niyang pag-alis ngayon, pero nagpanggap lang ako na walang alam. Alam kong hindi rin naman siya mapipigilan kahit pigilan namin siya eh, kaya pumasok sa isip ko ang planong ito.
"Kung hindi natin siya mapipigilan sa simpleng pakiusapan, daanin natin sa pagmamakaawa gamit 'to," sabi ko at ngumiti.
"Basta kahit anong mangyari, wag kayong lalabas ng kotse na 'yan, ha? Maliwanag?" dagdag na sabi ko pa. Tumango naman sila.
Lumabas na ako ng kotse dahil alam ko na malapit na sila. 'Yung Go-Signal ni Kuya Greg lang naman ang hinihintay ko eh. Isasara ko na sana ang pinto ng kotse ko nang hawakan ni Rhianne ang kamay ko. Lumingon ako sa kanya at nakita ko na naman 'yung mata niyang minsan ko nang nakita sa isang tao.
"Mag... mag-iingat ka, ah?" sabi niya.
Tumango ako at tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko bago ko isinara ang pinto ng kotse.
Ngayon palang, nakaramdam na ako takot. Paano kung matuluyan ako nito sa gagawin ko? Pero hindi. Kailangan kong magtiwala kay Kuya Greg. Alam ko naman na tutupad siya sa usapan eh. Pero paano kung hindi niya matapakan agad ang break?
Naputol ang pag-iisip ko nang makakita ako ng pulang Van papalapit sa akin. Ito na. Ito na.
Nakapikit akong lumakad papunta sa gitna ng kalsadang dadaanan ng Van nila at ilang sandali pa ay narinig ko na ang malakas na busina nito, kasabay noon ay ang malakas na pagbangga sakin nito,
--x
Gabriella's POV:
Ito na ang araw ng pag-alis namin nila Angel kasama si Mama. Ayoko man gawin 'to, pero alam ko, kailangan. Kailangan kong umalis dahil hanggang ngayon... masakit parin. Niyakap ako ni Kuya.
"Aalis ka na naman," malungkot na sabi ni Kuya. "Iiwan mo na naman ako. Iiwan mo na naman kami."
Tumawa ako sa kadramahan ni Kuya. Parang adik eh. Iiyak pa yata. Di na nasanay sa pag-alis ko.
"Ang drama. Alis nga," sabi ko ng natatawa-tawa at itinulak ko siya ng pabiro. Pero niyakap niya lang ako lalo. "Aalis lang naman ako. Pero 'yung communications natin, 'di naman mawawala eh. Babalik din ako pagka-graduate ko."
"2 years. 2 years na naman 'yun. Ang tagal pa eh. Pwede bang dito mo nalang ituloy ang pag-aaral mo?" sabi ni Kuya.
Napaisip rin ako sa sinabi niya. Pwede naman akong lumipat dito eh. Pero sayang naman kasi maganda ang eskwelahan na napasukan ko sa Canada. International school 'yun kaya maraming nag-aaral 'dun. At ayoko rin namang basta iwanan nalang ang school na 'yun dahil sayang talaga.
Kumalas sa yakap si Kuya at ngumiti.
"Basta, bumalik ka, ah?" sabi niya. Tumango ako at ngumiti. Hinalikan niya ako sa noo bago umalis. May tatawagan lang daw.
Hindi ko alam kung paano ieexplain 'to pero, 'yung sakit na naramdaman ko noon, kalahati nalang siguro ng sakit na nararamdaman ko ngayon. I mean... siguro nga, naka-move on na talaga ako dahil hindi na ako ganun kaapektado.
Nagtataka lang ako kanina pa na hanggang ngayon, hindi ko pa nakikita 'yung mga kaibigan ko. Sila Aubrey, Yves, Mike, Gerald, Faith... Nikko.
"Ang creepy. Wala man lang akong nakikitang poging face bago tayo umalis," pagmamaktol ni Angel.
"Sino? Si Gerald?" natatawa-tawa kong sabi.
"Oo eh." malungkot niyang sabi.
Bakit nga kaya sila wala? Aalis na kami, di man lang ako nakapag-paalam sa kanila.
Sumakay ako ng kotse. Si Kuya naman, may kausap parin sa phone. Hindi pa siya sumasakay ng Van dahil may kausap siya. Past 2pm na. Mamayang 5pm 'yung flight namin. Leche naman si Kuya.
Lumabas na ako ng Van at tinawag siya.
"Kuya, male-late na kami sa flight namin," naiirita kong sabi.
"Ha? A-ano... sige." sagot niya.
Bakit ba parang tense na tense siya? Leche. May hindi kaya siya sinasabi sakin?
Sumakay na rin si Mama at Tatay sa Van at ilang sandali pa ay nagdrive na si Kuya papunta sa airport. I have this feeling na may mangyayaring hindi maganda. Ewan ko lang, ah? Pero kinakabahan ako. Hindi ko alam kung bakit.
Siguro, 15 minutes nang nagda-drive si Kuya pero mas lalong dumo-doble 'yung kaba na nararamdaman ko. Bakit ganito? Fck. Maya-maya, narinig kong nagmura si Kuya.
"f**k!" sabi niya at bumusina ng malakas.
Napatingin naman ako sa labas at may nakita akong lalaking nasa gitna ng kalsada. Nanlaki ang mata ko sa nakita ko. Si--
Bago pa man ako makapag-react na si Nikko 'yon, nasagasaan na siya ni Kuya at kami naman ay nasubsob sa harap namin dahil sa biglaang pagpreno,
"Argh!" daing namin.
Napatingin ako sa labas at nakita kong lumabas na si Kuya para puntahan ang nasagasaan namin. Nagmadali akong lumabas kahit na sumasakit ang ulo ko at medyo nahihilo ako dahil sa pagprenong bigla ni Kuya.
Nanlambot ako nang makita ko si Nikko na nakahandusay sa sahig at may dugo ang ulo. Walang malay. Naiyak ako.
"Nikko!" tawag ko bago tumakbo papalapit sa kanya.
Nakita ko na may ilang lumabas sa kotse na nasa gilid. Nanlaki ang mata ko. Sila Mike, Faith, Rhianne, Yves at Aubrey!!! Anong ginagawa nila dito?!
"Nikko!!!" pagtawag nila dito.
"Sabi ko na nga ba, hindi magandang idea 'to eh!" narinig kong sabi ni Mike.
Teka... may nangyayaring hindi maganda eh. Alam ko may nangyayaring hindi maganda.
Bago pa ako makapag-tanong sa kanila, nakita kong binuhat na ni Tatay si Nikko at ipinasok sa kotse namin. Nag-drive na ulit si Kuya papunta sa hospital. Hindi ko maialis ang tingin ko kay Nikko. Ano ba kasing nangyari? Bakit siya humarang sa daan namin? At bakit siya nagpasagasa?
"Kuy--"
"Gabby, bago mo ako pagalitan at bago ako magpaliwanag, please lang. Mamaya na. Kailangan natin madala si Nikko sa hospital sa sasakyan sa lalong madaling panahon. Wag kang mag-alala. Sasabihin ko sayo lahat," sunud-sunod na sabi ni Kuya.
Siguro, kung nasa normal na sitwasyon lang kami, tinawanan ko na si Kuya dahil sa pagka-deffensive niya. Pero hindi eh. Lalo lang akong kinabahan dahil napatunayan ko lang lalo na may hindi magandang nangyari. Na may hindi sila sinasabi sa akin.
Nang makarating kami sa ospital, agad siyang dinala sa emergency room. Kami naman, naupo doon at naghintay sa Doctor. Pero sa sitwasyong ganito, hindi ko na kaya pang maghintay ng oras para sa paliwanag nila. Kailangan ko nang malaman ngayon.
Napatingin ako sa mga sumunod na dumating. Sila Aubrey. 'Yung mga taong nakita ko na biglang lumabas ng kotse sa gilid ng kalsada oras na masagasahan si Nikko. Imposible kasing coincidence lang na nandoon sila dahil una sa lahat, kotse ni Nikko 'yun. At pangalawa... anong gagawin nila doon?
Agad akong lumapit sa kanila.
"Gabriella. Kamusta na si Nikko? Okay lang ba siya? 'Yung sugat niya, hindi naman malala, 'di ba? Ano?" sabi nung Rhianne habang umiiyak. Hindi ko na siya pinansin.
Tumingin ako kila Yves at Mike kasama ang girlfriends nila. Para namang na-tense sila sa biglaang paglingon ko na 'yun sa kanila kaya sabay silang tumingin sa iba't-ibang lugar.
"Ano? Mag-iiwasan nalang ba tayo ng tingin?" matigas na sabi ko sa kanila.
"A-ano kasi eh..." panimula ni Yves.
"Ano?!" sigaw ko na siyang ikinagulat nila.
"Plano ni Nikko ang lahat ng 'to." narinig kong sabi ni Kuya sa likod ko.
Lumingon ako sa kanya at nakita ko na papalapit siya sa amin. Lumingon ulit ako kila Mike at nakita kong nakayuko sila. Pero si Rhianne... umiiyak. Ang OA, ah? Ano ba siya, girlfriend? Lumingon na ulit ako kay Kuya.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko.
"Alam niyang aalis ka ngayon kahit na hindi mo sinabi sa kanya. Alam ng lahat ang plano mo. At dahil alam rin ni Nikko na hindi ka nila mapipigilan sa simpleng pakiusap... pinlano niya 'to." paliwanag ni Kuya.
Ano? Bakit... paano? Hindi eh. Paano nila malalaman eh hindi ko naman sinabi sa kanya?
"Sinabi ko sa kanila kahapon na aalis ka ngayon kaya humingi ako ng tulong sa kanila na pigilan ka. Ayoko na ulit umalis ka, Gabby. At sila rin, ayaw na umalis ka. Wala kaming maisip na magandang paraan at dahilan para pigilan ka then, ayan. Isinuggest ni Nikko ang bagay na 'yan. Noong una, syempre, tutol kaming lahat. Pero sabi niya, kaya niya at sinabi niyang magtiwala lang kami sa kanya." dagdag na paliwanag ni Kuya.
Hindi ako makapaniwala sa lahat ng narinig ko. So ibig sabihin, ang lahat ng 'to ay plano ni Nikko para mapigilan ako sa pag-alis?
"Alam rin kasi ni Nikko at naming lahat na hindi mo kayang iwan ang isang tao kapag nasaktan siya or kahit na sino sa amin... lalo na't ikaw ang dahilan," narinig kong sabi ni Mike.
Umalis ako sa gitna ni Kuya at ng mga kaibigan kong nilinlang ako at pinahiran ang mga luha na tumulo mula sa mga mata ko.
"Sa tingin niyo ba, naging daan 'yung ginawa niyong lahat para mapigilan akong umalis? Ginawa niyo lang 'yan para ma-guilty ako eh. Ginawa niyo lang 'yan para makunsensiya ako. Tangina niyo. Lalo niyo lang akong tinulak na umalis. Akala niyo ba mapipigilan niyo ako sa pag-alis? Hindi. Magpapa-rebook kami ng flight. Oras na magising si Nikko, aalis na ulit kami." sabi ko at tinalikuran sila saka naglakad paalis.
Psh. Gago ba sila? Bakit nila gagawin 'yon? Tangina pala. Hindi ako natutuwa, ah? Kapag may nangyaring hindi maganda kay Nikko, hinding hindi ko sila mapapatawad... lalong lalo na ang sarili ko.
--x
9pm na. Tapos na silang mag-dinner at ako, hindi pa kumakain. Ayoko. Nandito ako sa loob ng room ni Nikko. Nakaupo sa couch sa gilid. Sila rin, nandito pero hindi ko sila kinakausap.
"Gabby, eat ka muna." sabi ni Angel pero umiling lang ako.
Bakit ba hanggang ngayon hindi parin gumigising 'yung gagong 'yan? Nakakainis na, ah? Maghapon na siyang natutulog.
"Hindi gigising si Nikko hangga't hindi ka kumakain," dagdag na sabi pa ni Angel.
Wala na rin naman akong magagawa eh. Ang kulit ni Angel. Kahit kailan, hindi pa ako nanalo sa kakulitan nito kaya nagpasama nalang rin ako sa kanya na pumunta sa fastfood chain na malapit rito.
--x
Nandito kami ngayon sa McDo. Sabi ko, kaming dalawa lang ni Angel eh. Kaso itong si Aubrey, sumama.
"Gabby, sorry na!" sabi ni Aubrey pero hindi ko pinapansin. Pareho kami ni Angel nakatingin lang sa pagkain namin habang kumakain.
"Gabby naman eh. Sorry na kasi! Si Nikko naman may idea nito eh. Please, Gabby. Wag ka nang magalit sakin!" sabi niya pa.
Nakita ko naman na parang konti nalang, iiyak na si Aubrey dahil hindi ko siya pinapansin. Gusto ko siyang pagtawanan pero pinipigilan ko ang sarili ko. Maya-maya pa, narinig ko si Angel,
"Pffft."
Alam niyo 'yung parang pinipigilan 'yung tawa hanggang sa ayan nalang masabi mo?
"Why?" tanong ni Aubrey kay Angel.
"What why? I'm not even talking to you." sabi ni Angel dito sabay irap.
"Tsk. Siguro ikaw ang nagtulak kay Gabby na wag akong pansinin no? Siguro ikaw ang nagsabi sa kanya na tiisin ako at wag akong pansinin no?" sabi ni Aubrey.
What? Ganito ba kalaki ang galit ni Aubrey kay Angel para akusahan niya ito? Napanganga lang ako habang hawak ko ang burger ko at pinapanood silang magsagutan.
"What are you saying? You didn't even crossed my mind even a second. Duh?" sabi ni Angel sabay irap dun.
Natatawa ako pero hindi ko nagawang tumawa. Sinungaling. Minu-minuto nga niyang sinasabi sakin kung gaano siya kainis kay Aubrey eh.
"I don't care! Hindi naman kasi dapat dinadaanan 'yang utak mo. Puro kalawang. Like, duh? As if naman na you crossed my mind?" bwelta ni Aubrey dito.
"Whatever you say, bitch."
"I hate you."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Aubrey. 'Yung totoo? Kasama ba talaga nila ako?
"Sinabi ko bang gusto kita? Like, eww! I don't care if you hate me. Just always remember that, I can never like you. I hate you so much. I hate you more than you ever know."
And for the third time, nalaglag na naman ang panga ko. I can't imagine that Angel could say that! Parang nagiging personal na, ah? Magsasalita na sana ako nang ngumisi naman si Aubrey. Teka... wag niyang sabihing--
"You're giving me enough reason to prove to my brother that you're not worthy for his attention. Alam mo ba kung ano ang sinabi sakin ni Kuya kanina before I leave him in his condo kanina?" nakataas ang kaliwang na sabi ni Aubrey.
"Aubrey," pagsaway ko sa kanya dahil alam kong masasaktan na niya ng totoo si Angel.
"I hate the girl Gabby brought here. I hate her for being childish. And I hate her because she's so clingy. I didn't even know her. Palaging nakadikit. Palaging nakatingin sa akin. Nakakainis. Ayoko sa kanya," said Aubrey mimicking Gerald.
Hindi ko na narinig ang bwelta ni Angel. Nakita ko nalang na nakayuko siya at natatakpan ng bangs niya ang mukha niya. Tumingin ako kay Aubrey at nakita ko na parang hindi niya naman sinadya ang mga sinabi niya. Magsasalita na sana ulit si Aubrey pero naunahan siya ni Angel.
"Kailan ko ba sinabing gusto ko ang kapatid mo? Sabi ko lang, ang gwapo ng kapatid mo. I never said that I like him. I can't remember when I said that. I can't remember I said that. Kaya wag mong isumbat sakin 'yan. I don't need him to like me, because in the first place. . .I never liked him," diretso ang tingin sa mga mata ni Aubrey na sabi ni Angel.
Pumikit si Aubrey na parang pinapakalma ang sarili. Bumuntong-hininga siya bago dumilat at nagpaalam na babalik na sa hospital. Ilang saglit lang, narinig ko na ang paghikbi ni Angel habang nakayuko.
"What did I do to them? Why did they hate me so much like I did something bad to them? I can't remember I did one to them. Bakit kailangan lahat ng tao ipamukha sakin na I'm not worthy of attention? That I'm not worthy of love?" sabi ni Angel habang nakayuko at umiiyak. Inakbayan ko siya at ipinatong ang ulo niya sa balikat ko.
"Wag mo nalang pansinin si Aubrey. Ganyan talaga siya. Masanay ka nalang, okay? Ganun din kasi ako sa kanya nung simula eh," sabi ko habang pinapakalma ko siya. "And don't think that you don't deserve the love and attention. Kasi, if you don't deserve them, you can't have mine."
--x
Nang kumalma na si Angel at natapos na kaming kumain, bumalik na kami sa hospital. Pumasok ulit kami sa room ni Nikko. Nakita ko naman na tahimik lang sila. Nakita ko rin na nasa tabi ni Nikko si Rhianne. Bigla na namang uminit ang ulo ko.
Nagulat ako nang makita ko si Nikko na gising.
"Gising ka na pala," sabi ko bago umupo sa gilid ng bed niya. "Kamusta naman 'yung katangahang ginawa mo? May napala ka ba?"
Pero hindi siya sumagot. Tiningnan niya lang ako na parang hindi niya alam ang sinasabi ko; na parang hindi niya ako kilala.
Tumingin ako sa mga tao sa paligid ko. Umuwi na yata ang Mommy at Daddy niya. Wala na dito eh. Pero bakit ba kasi sila ganyan? Tumingin ako kay Rhianne pero nag-iwas siya ng tingin at yumuko.
"Bakit ba ganyan kayo katahimik?" naiirita kong tanong sa kanila. Binaling ko ulit ang tingin ko kay Nikko, "At ikaw, bakit ba ganyan ka kung makatingin?"
Lalo akong naguluhan dahil nakatingin lang talaga siya sakin. Magsasalita na sana ako nang magsalita siya.
"Sino ka ba?"
Para akong nabuhusan ng tubig oras na marinig ko ang sinabi ni Nikko. Nagbibiro lang siya, 'di ba? Imposible 'yun eh. Hindi pwedeng hindi niya ako maalala.
"N-nagbibiro ka lang, 'di ba?" sabi ko. Nararamdaman ko na ang luha sa gilid ng mga mata ko. "I-isa na naman ba 'to sa mga kalokohan mo? Pwes. Kung oo, hindi ako natutuwa kaya ilubay mo na."
"Ah, G-Gabby, aalis muna kami, ha?" sabi ni Aubrey. Hindi ko na sila pinansin dahil na kay Nikko lang ang buong atensiyon ko.
"Ouch!" reklamo ni Angel dahil hinila yata siya ni Aubrey.
Ngayon, kaming dalawa nalang ni Nikko dito sa loob ng kwarto niya. Matagal kaming tahimik at nakatingin lang sa isa't-isa. Nang hindi na ako nakatiis, binasag ko na ang katahimikan.
"Ano? Wag mong sabihin na kasama na naman 'to sa kagaguhan mo, Nikko?" sabi ko na nagpipigil ng iyak.
"Miss, sino ka ba? Kilala mo ba ako? K-kilala ba kita?" tanong niya.
Tuluyan nang bumuhos ang luha ko dahil sa sinabi niya. Napadukmo nalang ako sa gilid ng bed niya at umiyak ng umiyak ng malakas.
"Nakakainis ka naman eh!" sigaw ko sa kanya.
"Miss, bakit ba umiiyak ka?" tanong niya.
Hinahawakan niya pa ang kamay ko pero hinawi ko lang ito at sinuntok 'yung bed sa gilid.
"Sa tingin mo, paano pa ako makaka-alis niyan kung nang dahil sa akin, hindi mo na ako maalala?!" umiiyak na sabi ko habang nakadukmo parin sa gilid ng bed niya.
"M-Miss--"
Bumangon ako sa pagkakadukmo ko at binulyawan siya.
"Wag mo nga akong ma-miss miss! Tangina! Sa tingin mo ba, makakayanan ko pang umalis ng bansa ngayong nangyari sayo 'yan para lang pigilan ako?! Ha?!" sigaw ko sa kanya.
Hindi siya sumagot agad. Nakatingin lang siya sakin habang ako, iyak ng iyak na parang bata.
"Nikko! Ako 'to. Hindi mo ba ako maalala? Ako 'to. Si Gabby. 'Yung taong mahal mo. Ako 'to, Nikko. Ako 'to. Pangako. Hindi na ako aalis, alalahanin mo lang ako." sabi ko ulit.
Hindi na ulit siya nagsalita kaagad. Matapos ang ilang minuto, ngumiti siya at nagsalita.
"Miss... ikaw ba 'yung taong... nagpapatibok nito?" sabi ni Nikko sabay turo sa kaliwang dibdib niya. "Ikaw ba talaga 'yung taong mahal ko?"
A-ano? T-teka...
"N-Nikko--"
Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako papalapit sa kanya at saka niyakap ng mahigpit.
"I'm sorry. Ayoko na kasi kitang umalis kaya ginawa ko 'to. Alam kong magagalit ka oras na malaman mo ang katotohanan. Pero, okay lang sakin. Wag ka lang umalis ulit. Wag mo lang ulit kaming iwan. Sorry din kung nagpanggap akong walang maalala. Sorry. Wag ka nang umiyak. Ayokong nakikita kang umiiyak. I'm sorry." mahabang sabi niya.
Naramdaman ko pa na hinalikan niya ako sa pisngi bago bumulong ulit.
"You just promised me that you won't leave me again, right? Hindi ka na aalis ulit sa tabi ko, ha?" bulong niya sakin.
Niyakap niya ako ng mahigpit kahit na may sugat pa siya at medyo nadadaganan ko 'to. Alam niyo 'yung kikiligin na sana ako pero may bigla akong naalala? Itinulak ko siya palayo at sinuntok ng pagkalakas-lakas. Halata namang nagulat siya sa ginawa ko at nasaktan. Wala akong pakialam.
"A-aray." daing niya habang nakahawak sa pisngi niyang sinuntok ko.
"Leche ka! Pinaglaruan mo na naman ako! Niloko mo na naman ako, Nikko!" sabi ko at sinipa 'yung higaan niya.
"G-Gabby--"
"Akala mo ba natutuwa ako sa mga pinaggagagawa mong 'yan?! Ha?!" pinunasan ko ang luhang umagos sa pisngi ko. "Niloko mo na naman ako! Alam na alam mo kung gaano ko kaayaw 'yung niloloko ako eh! Paksyet ka."
"G-Gabby kasi--"
"Kanina Miss, ngayon naman, Gabby?! Tangina. Akala mo ba naging dahilan lahat ng kalokohan mo para pigilan akong umalis?!" bulyaw ko pa sa kanya.
Bakas ulit ang gulat sa mukha niya dahil sa sinabi ko. Hindi siya nagsalita kaya ipinagpatuloy ko nalang ang pagsasalita.
"Hindi pa man kita boyfriend, ginagago mo na ako. Nikko, sa ginawa mong 'yan, lalo mo lang akong binigyan ng dahilan para umalis."
Pagkasabi ko niyan, tumalikod na ako at naglakad palabas ng kwarto niya. Hindi ko na pinansin kahit na tinatawag niya ng ilang ulit ang pangalan ko.
Paglabas ko naman ng kwarto ni Nikko, nakita ko ang nag-aabang na mga mukha ng mga napaka-babait kong kaibigan. Yumuko sila ng makita ako. Sinipa ko 'yung kung anong makita ko na siyang nakapag-pagulat sa kanila bago umalis.
Anong akala nila? Mapipigilan nila akong umalis dahil sa mga ginawa nila? Mga gago ba sila o mga paksyet? Sayang lang 'yung pinambili ko ng plane ticket. Damoho sila.
Bukas na bukas rin magpapa-rebook na ako ng flight pabalik sa Canada nang makaalis na kaagad. Ayoko na muna silang makita. Sobrang disapointed ako. At si Nikko... nasaktan ako sa ginawa niya. Kaya kung pwede lang, wag muna silang magpapakita sakin.