Chapter 12

1403 Words

“Bes, sure ka na ba dito? Ako ang kinakabahan sa gagawin mo, eh.” Isinara ko ang maleta at tumingin kay Cathy. Nakapamaywang siya at puno ng pag-aalala ang kaniyang mukha habang nakatunghay sa akin. “Oo, Cath. Kailangan kong gawin ’to. Sila ang dahilan ng lahat ng masasamang nangyari sa buhay ko. Kung hindi dahil sa kanila, baka buhay pa ngayon si Mama. Inabandona kami ni Papa nang dahil sa kanila,” buo ang loob na sagot ko. Tatlong araw kaming nanatili sa bahay nila Tita Jocy. Napagdesisyunan kong ipa-renovate ang bahay nila at bilihan sila ng mga bagong gamit sa bahay. Ayaw nilang pumayag noong una pero kalaunan ay tinanggap na din nila ang tulong na inaalok ko dahil sinabi kong magtatampo ako sa kanila. Balak ko din na magpatayo ng maliit na grocery para kay Jovy pero hindi ko m

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD