Wala pang tatlong minuto ay nakabalik na kaagad si Karl bitbit ang nalimukos niyang brown envelope pati na din annulment paper nilang mag-asawa. Una niyang hinagis sa lamesa ang brown envelope na naglalaman ng mga ebidensiya sa ginawa ni Diana. “Nasa loob niyan ang patunay na may ibang lalaki ka. Pero mamaya mo na tingnan ’yan. Pumirma ka na muna.” Sunod niyang inilapag ang annulment paper. “Sign it.” Utos nito sa asawa na puno ng poot ang mga mata. “A-Ayaw ko! Wala akong ginawang masama! Hindi kita iiwan at mas lalong hindi ko lilisanin ang pamamahay na ’to! Hindi ko maisip kung paano ang mabuhay kapag nawala ka sa ’kin, Karl. Patatawarin kita kung sakali mang natukso ka sa iba. Bibigyan pa kita ng isa pang pagkakataon para maisalba ang pagsasama natin.” Tumingala si Diana sa asaw

