Chapter 24

1417 Words

“Saan ka pupunta, Diana?” mahinang tanong ni Karl kay Diana paglabas nito sa elevator. Ibinaba niya ang hawak na diyaryo. Tumayo siya at lumapit sa kaniyang asawa. Nasa bandang likuran ni Diana si Christan na hila ang isang malaking maleta. Lumapit ako sa may hagdan at pinunasan ang hawakan kahit tapos na ako doon para mas malinaw sa pangdinig ko kung ano man ang kanilang pag-usapan. “Aalis muna ako. Kailangan ko munang lumayo sa ’yo dahil sobra na akong nahihirapan sa ginagawa mo,” walang emosyon na tugon ni Diana. “Nag-usap na tayo kagabi. Hindi pa ba malinaw sa ’yo ang gusto kong mangyari? Ano ba ang hindi mo naintindihan sa mga sinabi ko?” “H-Hindi ako sang-ayon sa gusto mo. Lalayo muna ako pangsamantala. Pagbalik ko, magpa-counseling tayo. Ayusin natin ang pagsasama natin dahi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD