Makaraan ang ilang sandali ay dumating na si Karl. Agad na nanuot sa ilong ko ang shower gel na gamit niya. Medyo basa pa ang kaniyang buhok. Namumutok ang muscles niya sa suot na puting kamiseta na pinaresan niya ng gray na cotton shorts. Sumiklab ang matinding pagnanasa sa mga mata niya matapos akong pasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa. Napalunok siya ng ilang beses. Inilabas niya ang dila at binasa ang ibabang labi niya na ubod ng pula. Kung ibang babae siguro ang nasa posisyon ko ay baka maraming beses nang may nangyari. Bukod sa mayaman siya, gwapo na at maganda pa ang pangangatawan. Wala nga lang talaga akong maramdamang kakaiba para sa kaniya. At mabuti na rin ang gano’n, dahil mangloloko siya ng asawa. Hinding-hindi ko pangangarapin ang isang lalaking walang respeto sa

