Chapter 33

1110 Words

“Hanggang kailan ka magiging anay ng tahanang ito? Umalis ka na, pakiusap. Magkakaanak na sila. Bakit hindi ka na lang maghanap ng binata? Ano ba ang dahilan at ginagawa mo ’to?” Bungad sa akin ni Nanay Karina pagbukas ko ng pinto. Malamig ang mga mata niyang nakatingin sa akin. “Hindi po ako aalis dito. Wala akong ginagawang masama,” kalmado ang tinig na tugon ko sa kaniya. “Pinahihirapan ni Karl si Diana. Alam naman nating lahat na buntis siya. Kahapon, sa halip na ikaw ang katuwang ni Selya maglaba, si Diana ang pinatulong niya. Akala mo ba hindi ko kayo nakitang pumasok sa library?” “May pinaayos lang po siya sa akin,” tipid na sagot ko. Tumalim ang mga mata niya. “May pinaayos? Mahigit tatlumpong minuto ang itinagal mo doon. Tapos sasabihin mong may pinaayos lang siya sa ’yo?

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD