Muli akong napabuntong-hininga pagdating ko sa laundry area. Kagabi ay nakaramdam ako ng hiya at takot sa maaaring iniisip ni Nanay sa akin dahil sa pagpatol ko sa amo namin na mayroon nang asawa. Pero agad ko ding iwinaglit ang ganoong pakiramdam. Matagal kong hinintay ang pagkakataong ito, kaya hinding-hindi ako magpapapigil kahit kanino. “Iha, bakit hindi gaanong kumikibo si Karina? Napakaseryoso ng mukha niya ngayong araw. Nakakapanibago. Dati naman laging maaliwalas ang itsura niya,” usisa ni Nanay Selya pagdating niya sa likod ng bahay. Siguro ay nahihiwagaan siya sa ipinapakitang malamig na pagtrato ni Nanay sa akin. “Baka may mga iniisip lang po siya.” Agad akong nag-iwas ng tingin. “Simulan na po agad natin Nanay para matapos po kaagad tayo at maaga kang makauwi,” dagdag ko pa

