Dumiin ang hawak ko sa hand bag na aking dala. Kasabay ng pagbabalik sa lugar kung saan kinitiI ni Mama ang sariling buhay ay ang pagdagsa ng mga masasakit na pinagdaanan ko sa kaniyang nakatatandang kapatid. Wala na sana akong balak pang bumalik dito kung hindi lang dahil kay Tito Vicente. Kung hindi dahil sa kaniya, baka ilang beses akong napagbuhatan ng kamay ni Tita Jocy at ni Jovy. “Nandito na tayo, Dhanna. Hindi ka pa ba bababa?” tanong ng kaibigan kong si Cathy Corpuz. Huminga muna ako ng malalim bago tuluyang lumabas ng sasakyan. Inilibot ko ang tingin pagkababa ko. Marami na ang nagbago sa lugar na naging tahanan ko sa loob ng pitong taon. Nadagdagan na ang mga bahay. Sementado na din ang ang mga kalsada. Maging ’yung mga dating bahay na gawa lang sa kawayan ay gawa na nga

