“Hello Cath?” Bungad ko kay Cathy matapos kong sagutin ang tawag niya. “Hoy! Babaita ka! Ano na? Buhay ka pa ba? Hindi mo man lang naalalang magparamdam sa akin! Anong petsa na ’te?” Nailayo ko ang cellphone sa tainga ko sa lakas ng boses ni Cathy. Matutulog na sana ako pero biglang nag-ring ang cellphone ko. Na-guilty ako bigla dahil hindi ko na siya nagawang i-update sa nangyayari sa akin dito sa bahay ni Karl. “Pasensiya na, madalas kasi akong pagod. Kumusta ka na?” Hinging paumanhin ko na lang. Naupo ako at sumandal sa headboard ng kama. “Heto buhay pa naman kahit alalang-alala na ako sa kalagayan mo diyan.” Pagtataray niya pa rin sa akin. Hindi ko man siya nakikita, nasisiguro kong nakataas na naman ang kilay niya. “Ayos nga lang ako. At saka may good news ako sa ’yo,” excite

