Inilibot ko ang tingin sa malawak na silid nina Karl. Bitbit ko ang isang brown envelope na pina-deliver para sa kaniya. Si Tatay Mario ang nakatanggap nito pero ako ang inutusan niyang umakyat para iabot sa amo namin. Dinig ko ang lagaslas ng tubig mula sa banyo. Naupo muna ako sa sofa habang hinihintay siyang matapos maligo. Sobrang laki ng kanilang kwarto. Doble ang laki nito sa kwartong inookupa ko noon sa ibang bansa. Kung tutuusin ay kaya ko namang bumili ng mas malaking bahay pero mas pinili ko ’yung hindi gaanong malaki dahil ako lang naman at si Cathy ang titira. Habang nagmamasid sa silid ay napuna kong wala na ang mga maliliit na picture frame na nakapatong sa may cabinet na nasa gilid ng bintana. Dati ay puno ’yon ng mga larawan nilang mag-asawa. Inilapag ko sa lamesa

