Chapter 57 – Face Off

1168 Words

“So, Belle, ngayon ay malinaw na sa’yo na niloloko ka ni Jarren. Hahayaan mo na lang bang gawin iyon sa iyo ng asawa mo? Come on, you’re not a martyr kind of woman, are you?” Matapang niyang sinalubong ang nang-uuyam at nang-iinsultong tingin sa kanya ni Desiree. Halata namang gustung-gusto nitong layasan niya ulit si Jarren. Pero sorry na lang ito dahil sa pagkakataong ito ay bibiguin niya ito. Ang lakas pa ng loob nitong pagsabihan siya. Ito pa talaga ang may ganang magmalaki sa kanya eh isa lang naman itong kabit! Siya ang asawa at iyon ang ipapamukha niya rito. “So what do you suggest, iwan ko na lang siya? Do you even wonder if you have the qualities that can compare to me? Paano ka niya maihaharap sa publiko bilang kapalit ko kung isa ka lang namang cheap na parausang babae?

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD