bc

BOLD BELLE

book_age18+
699
FOLLOW
8.9K
READ
HE
opposites attract
arranged marriage
heir/heiress
drama
bxg
brilliant
city
like
intro-logo
Blurb

Christina Belle Salazar. She’s a woman with a strong personality. Gusto niyang maging Nurse pero ang gusto ng mga magulang niya ay business course ang kunin niyang kurso. Pero dahil matigas ang ulo niya ay pilit siyang tumanggi kaya binigyan siya ng 2 choices ng mga magulang niya.Choice # 1. Business course ang kukunin niyang kurso at balang araw ay pamamahalaan niya ang kumpanya nila at pwede niya ring gawin ang iba pang gusto niya as long as hindi niya papabayaan ang mga negosyo nila.Choice # 2. She will enroll whatever course she wants, BUT, ipagkakasundo siya ng mga magulang niya sa isang negosyante at magpapakasal sila para ito na ang siyang mamahala ng mga negosyo nila.At dahil sutil siya at mautak, pinili niya ang choice number 2. But she has a plan na lalayas siya pagkagraduate niya. No way, she cannot marry someone without love!After she graduated, isinakatuparan niya ang plano niya. She lived alone independently. Until one day, nakabangga siya ng isang mamahaling kotse and the owner of the car demanded that she pay him immediately. Subalit wala siyang sapat na pera and of course, she cannot ask help from her family! So he offered her to pretend as his girlfriend as payment for the damages she caused his car.Why would she pretend? He didn't tell her the reason.She agreed since wala naman siyang pambayad. Their agreement was clear that they would only need to be sweet at each other whenever his family is around and kiss at some occasions, na bihira namang mangyayari dahil 1 month lang ang usapan nila na magpapanggap siya.But not too long after that, she found out na sila pala mismong dalawa ang ipinagkasundo...

chap-preview
Free preview
Chapter 1 – Choices
“No, Dad! Hindi ako mag-aaral ng business course! I want to be a Nurse! Bakit si Ate Bianca pinayagan ninyong pumili ng course niya? Bakit ako, hindi??” masama ang loob na sumbat niya sa Daddy niya. Kasama nito ang Mommy niya at pinuntahan pa talaga siya ng mga ito sa kwarto niya para ipilit ang kursong gusto ng mga itong pag-aralan niya. She is Christina Belle Salazar. Their family owns a local bank at iyon ang negosyong bumubuhay sa pamilya nila. Sadly, none of her and her siblings wanted to follow his dad’s footsteps. Siguro ay dahil puro sila babae at iba ang hilig nilang gawin. Her Eldest sibling na si ate niya Bianca ay Nursing ang kinuha nitong course but is now 2 months pregnant with her boyfriend’s child. Ang dalawang nakababata naman niyang kapatid na kambal na babae, identical twins to be exact, ay masyado pa raw bata. Kaya heto at siya ang napipisil ng parents nila na humawak sa negosyo nila balang araw. “That’s more the reason why we can’t let you choose whatever you want to do with your life. Look at your ate Bianca, we gave her freedom pero ano ang nangyari? Nabuntis siya! We just want to avoid it to happen to you too Belle, so please just do as we say.” Sabi naman ng Mommy niya. “But managing a business isn’t my forte! Ni wala akong interes sa pagnenegosyo. Wala akong alam diyan, Mom and Dad. So please, just let me enroll whatever course I want.” Pagmamatigas niya na may halong pakiusap. Nagtinginan ang Mommy at Daddy niya na wari ay nag-usap ang mga mata bago muling nagsalita ang Daddy niya. “Fine. You can choose your course. But after you graduate, we’ll arrange a wedding for you.” Seryosong sabi ng Dad niya. “What?!” eh di magiging useless lang din pala ang pag-aaral niya at pagpili ng kursong gusto niya dahil pagkagraduate niya ay ipapakasal din siya. Is it a joke? “You choose Belle. You will enroll business course and finally manage our business afterwards while doing whatever you want, or you will choose your own course but you’ll get married to a businessman after that.” “W-what?!” again. Is her parents selling her?? Or will they sell her to a businessman dahil lang ayaw niyang maging negosyante?? And they will do it just so their family can keep their wealth? Why would all the burden fall down on her? Hindi naman siya ang nagpabuntis sa boyfriend niya! Bakit sa kanya ibabaling ng Mommy at Daddy niya sa nangyari sa Ate niya? It’s so unfair! Bakit siya ang kailangang magsakripisyo?? “It’s unfair!” she managed to shout after the shock. “Belle, anak…” “Mommy, it’s unfair!” ulit niya. “Sorry sweetheart pero wala na kaming ibang maaasahan kundi ikaw. Alam mo namang walang tinapusan ang boyfriend ng ate mo… kaya babagsak lang ang negosyo natin kung pipilitin naming sila ang mamahala ng negosyo natin someday. That’s why we’re talking to you now, heart to heart, to let you know na ikaw ang inaasahan namin. Sayang naman kung hahayaan lang nating mawala ang pinaghirapan ng pamilya natin. Hindi na rin kami bumabata ng Mommy niyo so we need someone who will continue the business. Please hija, look at the bright side of it.” Anang Daddy niya na muling nakikiusap. “Don’t worry sweetie, hindi naman kami basta-basta pipili ng lalaking mapapangasawa mo ng ganoon lang if ever you’ll continue pursuing your dream. Your Dad knows a lot of decent men. Hindi ka naman namin basta ipapaubaya sa kung kanino lang. You just need to trust us, sweetie..” Malambing pang sabi ng Mommy niya sa kanya ngunit ni hindi man lang niyon nabawasan ang hinanakit na nararamdaman niya. How could they be that cruel to her? Oo minsan nagiging brat siya, but she’s a good daughter! How could they make an arrange marriage for her? No way…! No way talaga! Hindi siya papayag maging kasangkapan para lang mapanatiling matagumpay ang negosyo nila. “I’ll think about it…” tumalikod na siya sa mga ito senyales na gusto na niyang mapag-isa. But she will not think about it. Hindi na niya iyon kailangang pag-isipan pa. She will study what she wants and she won’t marry someone she doesn’t love just for the sake of money, power, or whatever it is. “One month Belle, think about it before the enrolment.” Anang Daddy niya. Lumabas na rin naman agad ang Mommy at Daddy niya sa kwarto niya pagkatapos ng seryosong pag-uusap nila. Or to correct herself, pagkatapos ng pamimilit ng nga ito sa kanya. Hindi na niya kailangan ng one month para makapagdesisyon siya dahil ngayon pa lang ay may desisyon na siya. After one month… “Hija, have you made up your mind?” usisa sa kanya ng Mommy niya habang kumakain sila ng dinner. Patapos na siyang kumain at aalis na sana ang kambal sa dining area ngunit napatingin ang mga ito sa kanya. Tumingin muna siya sa Daddy niya at sa Mommy niya, tapos ay kina Maureen at Marga. Wala ang ate niya dahil sa boyfriend na nito ito nakatira simula nang malaman nilang buntis ito. “I’ve made up my mind. Papayag na ako sa arrange marriage na gusto niyo, Mom and Dad.” Seryoso niyang sabi sa mga ito at parang wala lang na tinapos niya ang pagkain niya. “Great!” masayang wika ng Daddy niya at halata rin ang tuwa sa mukha ng Mommy niya. “Ate…” halos sabay na wika ng kambal ngunit sinulyapan lang niya ang mga ito. Whether they either agree or disagree, it doesn’t matter to her. Dahil hindi naman mangyayari ang sinabi niya. She is only 17 years old at ngayon ay may mabigat na responsibilidad nang nakaatang sa kanya?? Sorry Mom and Dad, but you cannot force me to marry someone I don’t love…

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
104.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.0K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
29.9K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
175.7K
bc

The naive Secretary

read
69.6K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook