Chapter 2 – Arrange Marriage

1130 Words
4 Years later…. “Congratulations on your graduation, anak!” Masayang sabi ng Mommy niya sa kanya. Kakatapos lang ng graduation niya ang there she is, celebrating with her family at a restaurant. “Thank you mom!” masaya niyang sabi sa Mommy niya. “Sayang wala si Ate Bianca.” Ani Maureen. “Oo nga.” Sang-ayon naman ng kambal nito na si Marga. Bihira na nilang makasama ang ate Bianca niya dahil pamilyadong tao na ito at tatlong taong gulang na ang anak nito. Their parents supported her Ate Bianca financially, ipinagpatayo rin ito ng Mommy at Daddy nila ng bahay at binigyan ng maliit na negosyong Mini Grocery Store dahil mahirap na pamilya lang ang pinaggalingan ng asawa nito. “Now that you graduated, maybe it’s time that we talk about your marriage.” Nawala bigla ang ngiti sa mga labi niya sa sinabing iyong ng Daddy niya. Sabay-sabay pa silang napalingon dito ng kambal niyang kapatid at ng Mommy niya. Inaasahan na niya iyon, ngunit lihim pa rin siyang napangisi dahil talagang hindi na makapaghintay ang Daddy niya na ipakasal siya sa kung sinong poncho pilatong magpapanatili sa negosyo ng pamilya nila. “Mahal, masyado pa yatang maaga para pag-usapan natin ang bagay na iyan. Let’s celebrate first.” Pinilit ng Mommy niya na ngumiti sa kanila at hinawakan pa nito ang braso ng Daddy niya. “Sooner or later ay kailangan natin yang pag-usapan kaya mabuti nang maaga pa ay ipaalala na natin kay Belle ang kasunduan natin. And as a matter of fact, next month ay babalik na sa Pilipinas ang mga De Chavez. So by next month, Belle will already meet her future husband.” Tila excited pang pagbabalita ng Daddy niya. “Dad, hindi na po ba magbabago ang desisyon niyo? Hindi po ba pwedeng wag na lang munang magpakasal si Ate?” tila gustong kumontrang sabi ni Marga. “We already talked about it. Pumayag na ang ate niyo. Aside from that, we cannot cancel the engagement anymore. Usap-usapan na rin ang merger natin sa mga De Chavez. We cannot embarrass ourselves by showing uncertainty about the agreement.” Paliwanag naman ng Daddy niya na mahinahon pa rin. She just continued eating. Hindi siya nagpakita ng kahit anong disgusto sa mga sinabi ng Daddy niya. Her Dad is right. Pumayag na siya. But she cannot fulfill her promise. Hindi niya isusugal ang buhay at future niya para sa negosyo ng pamilya nila. “Belle, totoo bang ikakasal ka na? Bakit di mo man lang sa’min sinasabi? Sa iba pa namin nalaman.” Tila nagtatampong saad ni Lucas, isa sa mga matalik niyang kaibigan. Lucas, Roel, Marlon, Olivia and Mariel. They are her group of friends. Ilan sa mga ito ay kaklase niya sa college, ang iba ay kaibigan ng kaibigan niya na naging kaibigan na rin niya hanggang sa nabuo na ang barkada nila. “Grabe, kakagraduate mo lang, ikakasal ka na?” natatawang tanong naman ni Olivia. “Sino ba ang malas na lalaki, ha?” natatawang tanong naman ni Marlon. “Shut up! Walang kasalang magaganap.” Uminom siya at ngumisi pagkatapos. They are at a bar, drinking and having fun. Malayo iyon sa bahay nila kaya hindi malalaman ng Mom and Dad niya na pumupunta siya roon. Isa pa, madalas ay nakikitulog na lang siya kina Olivia o Mariel pag umiinom sila. Hindi naman siya hinihigpitan ng parents niya, marahil ay para bigyan siya ng freedom bago man lang siya ikasal. Pero walang mangyayaring kasal. “Woah! What do you mean girl? Balitang-balita na ang merger ng bangko niyo sa D.C. Bank.” Sabi naman ni Mariel. “D.C. Bank? Is it the D.C. Bank we know? Dude, bigatin pala ang mapapangasawa mo.” Tila gulat na sabi ni Roel. They call each of them dude, par, o kahit anong gusto nilang itawag sa isa’t-isa aside sa mga pangalan nila. Siguro, isa na iyon sa lambingan nila. “Hindi lang bigatin, balita ko mga gwapo at hunk ang pamilyang may-ari ng D.C. Bank.” Ani Olivia. “Really, baby? Mas hunk at gwapo pa ba sa’kin?” nagpacute pang tanong ni Roel na tinawanan lang nila. Well, Roel and Olivia are lovers. “I’m not interested. Tatakas ako bago ang engagement. Tutulungan niyo ba ako??” seryoso niyang tanong sa mga ito. “Girl, seryoso ka ba??” hindi makapaniwalang tanong ni Mariel. “Of course! Bakit ako magbibiro? Wala akong planong magpakasal sa hindi ko naman mahal! Ano ako, gagawin lang dekorasyon at paanakan?? No way!” matigas niyang sambit. “Pero par, mapapahiya ang pamilya niyo at pamilya ng mapapangasawa mo pag di natuloy ang engagement at ang merger….” Ani Marlon. “Oo nga.. tsaka paano ka, saan ka pupunta? We can help you, yes. Pero paano ang pamilya mo? Lalayas ka ba?” tanong naman ni Lucas. Muli siyang uminom at nag-isip ng isasagot bago muling nagsalita. “Tatakas ako…at lalayas ako. That’s the only way.” Determinadong sabi niya. “At kakailanganin ko ang tulong niyo. So ano, nasa likod ko ba kayo?” nananantiyang tanong naman niya sa mga ito. Nagtinginan ang mga ito bago halos sabay-sabay na tumango. “Oo naman. Suportahan ka namin para sa kaligayahan mo.” “Para mahanap mo ang true love mo.” Biro naman ni Mariel kaya muli silang nagtawanan bago nagwalwal. Kakailanganin talaga niya ang tulong ng mga kaibigan niya. Mukha man silang walang kinabukasan pag nagsasama-sama sila at nag-iinuman ay solid ang pagkakaibigan nila at mabubuti ang puso nila. Ang ilan sa mga kaibigan niya ay may sinasabi rin sa buhay, pero wala sa kanila ang mayabang. Tamang enjoy lang sila at ang paborito nilang bonding ay bar hopping at inuman. After few days, isang gabi bago ang arranged dinner ng pamilya nila kasama ang pamilya ng mapapangasawa ‘daw’ niya para magkakilala silang lahat ay kinausap siya ng Daddy niya habang nagdidiner sila. “Belle, anak… Bukas maghapon dito ka na lang sa bahay dahil darating ang pamilya ng mapapangasawa mo. You will formally and finally meet your fiancé. And I hope, sa mga darating na araw ay bawas-bawasan mo na rin ang paglabas mo dahil hindi iyon makakabuti sa image mo at ng mapapangasawa mo. And please behave and show a finesse attitude tomorrow. Nagkakaintindihan ba tayo, Belle?” Mahinahong pakiusap ng Daddy niya. “Yes Dad.” And she gave him a pretentious smile. “Good.” Nakangiting sabi ng Daddy niya. Lihim na lang siyang napangiti ng pilya. No way. Walang engagement na mangyayari. Walang magiging masaya bukas ng gabi dahil mamaya mismo, habang tulog na ang lahat at tahimik na ang kabahayan ay aalis na siya. She’d rather live alone than spend her life living with a stranger.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD