“What’s your order, Sir?” tanong niya sa isang gwapong customer na nakaupo sa tabi ng table na pinuwestuhan kanina nina Olivia. Ilang minuto na rin ito doon ngunit busy ito kanina sa cellphone nito. Siguro ay hinihintay pa nito ang friends nito.
Hindi niya alam kung foreigner ba ito o Pilipinong lumaki sa ibang bansa dahil halatang alaga ang kutis nito.
“Give me a bottle of beer, Belle.” Nakangiti nitong sabi sa kanya na lalo nitong ikinagwapo. Pero bakit alam nito ang tunay na pangalan niya?
“Oh, I heard your friends called you Belle. Isn’t that your name?” napansin yata nito ang pagtataka niya kaya sinagot nito agad ang tanong sa isip niya.
“Ah.. Yes, Sir!” nasabi na lang niya para hindi na humaba ang usapan nila. Gwapo at mukhang macho ang customer, pero wala siyang balak makipagflirt kahit kanino lalo na sa lugar na iyon kahit pa mukhang nagpapacute sa kanya ang customer. Sayang, gwapo nga ito pero mukhang may pagkatsismoso.
Even if for instance he heard her friends called her by her name, how could he casually call her with her nickname? Feeling close masyado.
Ngumiti siya rito ng tipid at kinuha na ang order nito.
Siguro naman ay minsan lang maliligaw sa lugar na iyon ang customer na iyon dahil mukhang hindi naman ito ordinaryong tao. Bella kasi ang pakilala niya sa mga tao roon kaya wala dapat tumawag sa kanya ng Belle hanggat maaari.
Nang i-serve niya rito ang order nito ay muli itong ngumiti sa kanya na parang makahulugan. Hindi niya alam pero parang may laman ang klase ng ngiti nito sa kanya. Hindi naman siya kinabahan pero hindi niya maiwasang magtaka.
Does he know her??
Pero sure siyang hindi pa niya nakikita kahit kailan ang lalaking iyon sa buong buhay niya at sure rin siya na mula ito sa may kayang pamilya.
“Is there a problem, Sir?” pilit ang ngiting tanong niya rito nang mailapag na niya ang order nito.
“Nothing. I just thought you’re pretty.” Anito na ikinapula yata ng pisngi niya. Mabuti na lang at madilim kaya hindi yata nito iyon nahalata.
Agad na lang siyang nagpaalam rito ngunit di pa siya nakakalayo ay hinarang naman siya ng ilang kalalakihan na halatang lasing na.
“Miss. Pwede ka bang mai-table?” tanong ng isa sabay hawak sa kanang braso niya. Ipiniksi niya ang braso niya ngunit hindi iyon binitiwan ng lalaki.
“No! Hindi ako nagpapa-table—”
“Pakipot ka pa. Magkano ba ang gusto mo?” sabi naman ng isa at lalo pang lumapit sa kanya.
Muli siyang nagpumiglas sa pagkakahawak ng lalaki sa braso niya ngunit malakas itong nakahawak sa kanya at umakbay naman sa kanya ang isa pang lalaki.
Iyon talaga ang pinakaiiwasan niyang mangyari sa lugar na iyon. Ang iba kasing waitress na gaya niya ay nagpapa-table at hindi maiiwasang hipuan ang mga ito ng customer. Ang iba nga ay nagpapa-takehome pa na alam na niya kung ano ang ibig sabihin.
“She said no, so just let her go.” Bigla namang may matapang na nagsalita sa likod niya at paglingod niya ay nakita niya ang gwapong customer kanina na malapit na sa kinatatayuan niya.
Inalis nito ang kamay ng lalaki sa balikat niya at binaklas rin ang kamay na nakakapit sa braso niya.
“Aba, matapang. Masyadong pakialamero—” hindi na itinuloy ng lalaking bastos ang sinasabi nito dahil agad nitong sinuntok ang gwapong customer.
Nakailag naman ang gwapong customer ngunit nadaplisan ang panga nito. Agad rin itong gumanti ng suntok ngunit dahil tatlong lalaki ang kalaban nito ay nahirapan itong makailag sa mga suntok.
Ganoon pa man, sa sobrang bilis ng mga pangyayari ay nakita na lang niyang tumba na ang tatlong lalaking nambastos sa kanya habang nananatiling matikas na nakatayo ang gwapong lalaking nagtanggol sa kanya.
“Sir, I—”
“You should’ve seen this coming but you still chose to work here.” Seryosong sabi nito na wari ay pinapagalitan siya sabay talikod sa kanya.
Bigla tuloy siyang napanganga.
What the….?!
Sino ba ang nag-utos ritong ipagtanggol siya?! Kaya naman niya ang sarili niya! Nagagalit ba ang lalaking iyon dahil nadaplisan ito ng suntok?
Well, it’s his fault for intervening!
Gusto niya sanang mag sorry at the same time ay mag thank you rito pero wag na lang pala! Tsismoso na, suplado pa! Tseeee!!
Basta na lang kasing makikisali tapos ito pa ang may ganang magalit? And how dare he scold her?!
Damn! He has no right!
Mabuti na lang at patapos na ang oras ng trabaho niya. Umuwi tuloy siyang badtrip dahil sa lalaking iyon.
Masaya na sana ang gabi niya dahil binisita siya ng friends niya at inabutan pa ng pera. Pero nasira lang ng lalaking iyon ang mood niya.
Lumipas pa ang dalawang araw at lagi niyang nakikita sa bar na iyon ang gwapong customer na iyon. Pero hindi na siya ulit ang nag-serve rito dahil pikon na pikon pa rin siya rito.
He doesn’t know anything about her so he has no right to judge her.
At gaya ng sabi ng mga kaibigan niya ay bumili nga siya ng second-hand na sasakyan. Mabuti na rin iyon lalo at gabi ang pasok niya kaya mahirap ring mag-commute para sa kanya. Delikado rin kasing mag abang ng sasakyan minsan at madalas ay marami nang lasing sa daan.
Oh her way home, while driving her second hand and old car, papaliko siya sa isang kalsada nang bigla namang may sumulpot na kotse sa harapan niya.
Bugsshh!!
Shit! Nakabangga siya!
Agad siyang lumabas sa kotse niya at tila nangatog ang mga tuhod niya nang makita niya ang damage na nilika ng pagkakabangga niya sa kotse sa unahan niya.
Ok lang sana kung kasing luma na at kasing mura ng kotse niya ang nabangga niya. But heck…. It’s a very expensive car.
Hindi naman talaga niya dapat kasalanan because she’s driving carefully all the times. Pero sa itsura ng kotse nila ay laging siya ang may kasalanan. Tssk.
How could she survive now??
Ang dami niya na ngang dapat bayaran, may panibagong problema pa ang dumating sa kanya.