Tuluy-tuloy na siyang hinila ni Jarren papunta sa kotse. Pinagbuksan pa siya nito ng pinto at pinagbuksan naman ito ng driver nila. Pagkapasok na pagkapasok nito sa kotse ay agad nitong sinunggaban ang mga labi niya at tila sabik na sabik na hinaplos ang pisngi niya pababa sa leeg niya hanggang sa ibabaw ng dibdib niya. “M-may kasama tayo, Jarren.” Pigil niya rito matapos itong itulak ng bahagya. Napatingin pa siya sa gawi ng driver nila ngunit hindi na niya ito makita dahil may nakaharang nang kurtina. Napansin rin niya ang tugtog sa loob ng kotse habang umaandar na ito. “It’s ok sweetheart.” Balewang sabi ng asawa niya at hinalikan pa ang ibabaw ng dibdib niya. Muli nitong hinalikan ang leeg niya at unti-unting ibinaba ang strap ng suot niya. “You’re very beautiful.” Anas nito hab

