“Don’t do that again.” may babala sa tonong sabi ni Belle. “Alin?” pagmamamang-maangan naman niya. It’s just a kiss on her cheek! Pati ba iyon ay big deal kay Belle? “Wag ka nang mag maang-maangan Jarren.” Anito sabay irap sa kanya at akmang papasok na ng tuluyan sa kabahayan. Nauna na ang mga anak nila sa loob at kasalukuyan nang naglalaro sa sala. “Oh, come on sweetheart… It’s just a peck.” Aniya pero matalim siyang tiningnan ni Belle. “What? We did more than that before. Kaya nga may kambal na anak na tayo—” “Jarren! Noon iyon. Iba na ngayon.” Malamig nitong putol sa sinasabi niya. Binibiro lang naman niya ito pero talaga yatang badtrip si Belle. Bigla tuloy siyang nainis nang maalala niya ang Doctor na iyon kaya hinawakan niya ang braso ni Belle upang mapaharap ito sa kan

