Kinabukasan ng gabi ay nagulat na lang silang lahat nang may biglang dumating na bisita. An uninvited visitor na hindi niya gustong makita. Si Desiree. Ang malandi niyang pinsan na isa sa mga dahilan kaya siya umalis 6 years ago. “Des. What a surprise!” halatang nasurpresa rin si Jarren kagaya niya pero mukhang hindi naman ito natuwa tulad ng inaasahan niya. Still pretending, huh? O baka ayaw lang ni Jarren na mabuko ang relasyon nito at ni Desiree. Well, too late for that because she already knows the truth. “I rushed here when I heard from Dad na nakabalik ka na Belle. Thank God you’re ok!” to the highest level pang acting ni Desiree at nagbeso sa kanya. Hindi na lang siya umimik at hinayaan na lang niya ito sa pagkukunwari nito. Lumapit pa si Des sa kambal ay isa-isang niyakap ang

