Finale (Second Part) Pinunasan niya ang luhang pumapatak sa pisngi ko. "Magagalit sa akin si Leroy kapag nalaman niyang umiyak ka na naman ng dahil sa kaniya." "Mario, pagod na ako. Pagod na akong maghintay." Pinalo ko siya sa dibdib niya. "Nakakaasar ka alam mo iyon? Sabi mo saglit lang siyang mawawala, pero limang taon na simula nang mawala siya pero hindi pa rin siya bumabalik." "Anna, iyon din ang akala ko. Iyon ‘yung sinabi sa akin ni Leroy noong magkausap kami sa Ballier. Hindi ko naman inaasahan na aabot ng limang taon at hanggang ngayon ay hindi pa siya nakakabalik." I smiled weakly. Tuwing linggo pumupunta dito si Mario para kamustahin ako. Iyon daw kasi ang huling inutos sa kaniya ni Leroy bago ito umalis ng pilipinas. "Malaki na ang mga anak namin. Ni hindi niya pa ito naki

