Finale (Last Part) #TTHEENDLEROYPOV UMUPO si Leroy sa kaniyang hinihigaan at inalis ang kumot na nakabalot sa hubad niyang katawan. Ikinumot niya ito sa babaeng nakahiga sa kaniyang tabi na wala ring saplot. Hindi niya maipagkakaila na nasarapan siya sa kanilang pinagsaluhang gabi kahit na puno lamang iyon ng pagnanasa. Inangkin niya ang dalaga buong magdamag hanggang sa magsawa ito. Napapasapo siya sa kaniyang noo sa tuwing naa-alala ang kagaguhang ginawa niya kagabi pero kahit na ganun ay masaya siya, dahil simula ngayon ay hindi na sila guguluhin pa ni Cindy. Hindi na guguluhin pa ni Cindy ang kaniyang pagmamahal kay Anna. Eto lang naman ang gusto ni Cindy 'di ba? Ang may mangyari sa kanila. Kaya ngayong may nangyari na sa kanila ay nasisigurado ni Leroy na wala ng hahadlang sa ka
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


