Episode 29

790 Words

Episode 29 Pagod akong nagpapahinga sa kubo. Masakit ang paa ko dahil bukod sa malayo ang nilakad namin, naka heels pa ako. Halos lahat yata ng tauhan sa farm ay nakalimutan ko na ang pangalan dahil sa dami nila, mabuti na lamang at alam iyon ni Mario. "Gusto mo bang masahiin ko ang paa mo?" Tanong ni Leroy pagka-upo niya sa tapat ko. Hinihilot ko ang paa ko dahil sa sobrang ngalay. "Hindi na, hindi na naman masyadong masakit." Totoong hindi na siya masakit pero nangangalay pa rin. Saka nakakahiya kay Mario na nakaupo sa gilid kung dito pa kami maghihilutan ni Leroy. Baka sabihin pa niyang maarte ako dahil ako lang ang sumakit ang paa sa haba ng nilakad namin. "Hindi pa ba tayo uuwi, Leroy?" Tanong ko sa kaniya. "Hindi pa. Kinukuha pa ni Mang Berting ‘yung kabayong gagamitin natin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD