Episode 28 Maaga akong nagising kinabukasan hindi dahil sa namamahay ako kun'di dahil excited ako na ilibot ang Ballier. Magkasama rin kami ni Leroy sa iisang kwarto at iisang kama. In fairness, ang sarap matulog kapag may kayakap ka tapos mabango at guwapo pa. Feeling mo nasa heaven ka na. "Iha, ang aga ng gising mo." Nginitian ko si Manang Susing nang makita ko siyang nagluluto sa kusina. "Good morning po," "Good morning din, naku iha. Dumating na sila Don Alejandro at Donya Cecilia, ang lolo at lola ni Leroy. Siguradong matutuwa sila ‘pag-gising kapag nakita si Leroy na kasama ka." Natutuwa niyang saad. "Bakit po?" tanong ko. "Matagal na nilang gustong magdala si Leroy dito ng babae. Kaso noong huling nagdala si Leroy dito, hindi nagustuhan nila donya dahil pera lamang ang habol

