Episode 31 Hinatid ako ni Leroy hanggang department ko pero sa labas lamang siya, ayokong makita siya ng mga ka-team ko. Niyakap ako ni Belen pagkakita niya sa akin. "Kaasar ka Anna, hindi mo sinabi sa akin na magbabakasyon kayo!" "Biglaan kasi," Nag-make face nalang siya at umupo na kaya umupo na rin ako. Mabilis na dumaan ang araw, ni hindi ko napansin dahil sa sayang nararamdaman ko sa tuwing kasama ko si Leroy. Hindi ko na masyadong nakausap si Brent dahil umalis siya ng bansa, isinama ng kaniyang Inay sa Hongkong. Magkasama kami ni Leroy ngayon. Sa iisang kama. Balot ng kumot. Hubad ang mga katawan. "So, wala na talaga?" Tanong ko sa kaniya. Eto ang araw na ayokong dumating, ang ikatatlong buwan na makasama siya. Ang huling araw na magiging kami. "I'm sorry." Lalo niyang

