Episode 32 Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang tapos na ang lahat sa amin ni Leroy. Gusto ko siyang makita.. Gusto ko siyang makasama pa ng mas matagal pero bakit ganito? Bawal na at parang wala akong magawa kun’di ang manahimik sa isang tabi at magmukmok, hayaang tumulo ang luha ko hanggang sa makalimutan ko pansamantala ang tungkol kay Leroy. "Anak, minsan naman padalawin mo rito ang boyfriend mo. Ang bait niya talaga, ng dahil sa kaniya ay nagkaroon tayo ng magandang buhay ngayon. Binigyan niya tayo ng malaking bahay, pati ang kuya at Itay mo ay binigyan niya ng magandang trabaho." Nginitian ko na lamang si Inay. Hindi ko kayang sabihin sa kaniya na hiwalay na kami ni Leroy. I just can't! At siguradong magugulat lamang siya sa sasabihin ko kung sakali. "Tulala ka na

