Episode 33 "Kayong dalawa, mga doktor ba kayo? Imposibleng mabuntis ako ‘no!" Pilit akong tumawa. Nakatingin silang dalawa sa akin ng seryoso. I want to end this topic. I just want. Kasi imposibleng mabuntis ako. Pero posible rin kasi hindi kami gumagamit ng proteksyon.. Pero pinainom naman niya ako ng pills simula noon kasi ayaw niya pa ngang magkaanak. Hindi kasi pwedeng mabuntis ako. Hindi pwedeng mabuntis ako! "Kailan ka huling niregla, Anna?" diretsong tanong ni Belen pagkatapos niyang uminom ng juice. Saglit akong natahimik upang isipin kung kailan ako huling nagkaroon. "Last month pa, bakit? Siguro delay lang," "See, baka kaya hindi ka nagkakaroon dahil buntis ka!" Belen pointed out. Bakit ba nila ipinagpipilitang buntis ako!? "Anna, I think you should go now to my friends c

