Episode 4

615 Words
Episode 4 Si Inay ang sumalubong sa akin pagkauwi ko sa aming bahay. Hindi gaanong kalakihan ang bahay, sakto lamang ito para sa amin. "Inay, kumusta po si kuya?" tanong ko kay Inay.. "Nasa presinto, anak.. Sinamahan siya ng tatay," halata sa boses ni Inay ang kaba at pag-alala. "Ako na po ang pupunta roon ‘nay, manatili ka na lamang po rito sa bahay. Babalitaan po agad kita pagkarating ko roon." ani ko kay Inay.. Hindi rin makakabuti sa kalagayan ni inay na pumunta pa roon. Baka atakihin pa ito ng sakit niya at mapa-hospital pa kaya rito na lamang siya manatili. Sinangayonan naman agad ni inay ang nais kong mangyari. "Sige, mag-ingat ka, anak." Pagkarating ko sa presinto. Nadinig ko agad ang malakas na sigaw ni kuya. "Lintik na ‘yan! Ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na wala akong kasalanan!? Hindi galing sa akin ‘yung shabu! Takte!" "Kuya," "Anna! A-anong ginagawa mo rito?" tanong ni kuya nang makita niya ang presensiya ko. "Kuya, ano na naman ito?" Lumapit ako sa kaniya habang nakakunot ang noo. "Wala ito, Anna. Pinagbibintangan nila ang kuya mong nagbebenta ng droga." sabi ni itay. Tumingin ako kay kuya. Gusto kong si kuya ang sumagot sa tanong ko. "Tama si tatay, Anna." Bumuntung hininga ako at tumingin sa mga pulis. "Manong, baka naman po pwede natin ‘tong pag-usapan. Sigurado naman po akong hindi magagawa ni kuya ang binibintang n’yo sa kan’ya." "Iha, pasensya ka na. Hindi pa makakauwi ang kuya mo. Idadaan pa ‘yan sa drug test, baka kasi pati siya ay gumagamit na rin ng droga pero kapag mali ang hula namin ay palalayain din agad namin siya." Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi nito. Akala ko kasi noong una pati ay may nakaaway na naman si kuya at sinampahan uli siya ng kaso dahil nasa hospital ang nakaaway niya. Sinamaan ko ng tingin si kuya kaya yumuko ito. "Salamat manong," "Pwede na ho ba akong umuwi?" tanong ni kuya sa kausap kong pulis. Mukhang mabait naman si manong kumpara sa mga kasama nito. "Hindi pa hanggang hindi ka pa sumasalang sa drug test." Umiling na lamang ako. Pagkatapos noon ay umalis din agad ako. Si tatay na daw muna ang magbabantay doon kay kuya. "Belen, nasaan ka na?" Nagmamadali akong kumuha ng isang tinapay sa mesa habang hawak ko ang telepono na nakadikit sa tenga ko. Isinakbit ko na ang shoulder bag ko at nag-kiss sa pisngi ni nanay. "Naku, Anna. Mauna ka na, ngayon pa lang ako maliligo." "Ganoon? Sige, ganito na lang, magkita tayo sa department. Hintayin kita ha?" "E doon naman talaga tayo magkikita, shunga ka,” natawa siya sa kan’yang sinabi. “Sige sige, bye!" "Bye!" Ibinaba ko na ang tawag. "Nanay, alis na po ako." "Aalis ka na? Kaunti palang ang nakakain mo a!" "Doon na lang po ako kakain sa pinagtatrabahuhan ko ‘nay, sige na po. Bye!" "Naku! Ikaw talagang bata ka! Mag-iingat ka sa biyahe," Hindi na ako nakasagot kay Inay dahil nagmamadali na akong lumabas. Pero ‘di pa ako nakakalayo sa bahay ay parang may namumukhaan akong lalaki kaya nilapitan ko ito. "Brent?" tawag ko sa lalaking nakasandal sa kotse niya. Nasa harap siya ng bahay namin. Nakapamulsa pa talaga siya. Artistang-artista ang datingan. Umangat ang kan’yang tingin sa akin at nang makita n’ya ako ay tumuwid s’ya ng tayo pagkatapos ay lumapit s’ya sa akin. "Anna," he called my name and kissed me, on my cheek. “Good morning,” sabi niya at hindi man lang maalis ang nakakasilaw niyang ngiti sa kan’yang labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD