Episode 3

319 Words
Episode 3 Wala na akong mukhang maihaharap pa sa kanila. Lalo na sa CEO na si Leroy. Ba’t kasi ngayon pa? Alam ko na magkakaroon ako ngayon dahil masakit ang puson ko pero ‘di ko expected na ngayon ako magkakaregla. Bakit hindi ko naramdaman? Ilang saglit pa ay lumabas na ako ng Restroom, mabuti na lamang ay may dala akong extra’ng palda at pang suporta kung tagusan muli kaya nakapagpalit agad ako. "So what do you think will happen if we choose your activity in our company?" he lifted his chin as if he's interested in what i'm discussing here in front of them. Bakit pagdating sa akin dumami yata ang tanong niya? Bakit n'ong nagreport ang ibang department wala man lang siyang susunod na tanong! Sinagot ko ang tanong niya. "Sa katunayan, wala pa akong naiisip na maaaring mangyari if sa aming department ang mapipiling activity sa darating na summer, pero, makakasigurado naman po kayong gagawin namin ang lahat para maging matagumpay ang activity ng kompanya this summer.” Tumango siya at hindi manlang inalis ang tingin sa akin. Tiningnan ko ang ibang mukha ng tao sa loob ng room. And as I expected, ang sasama ng titig nila sa akin. Hindi man nila gusto pumalakpak wala silang nagawa kun'di ang palakpakan ako. Nang matapos ang meeting ay isa-isa nang naglabasan ang mga tao sa loob. Sumunod na rin akong lumabas. Kailangan ko pang pumunta sa kuya ko. "Uuwi ka? Half day ka lang?" tanong sa akin ni Belen nang makita niya akong nag-gagayak. Mag katabi kasi ang aming desk kaya makikita n’ya ako agad. Isinarado niya ang kaniyang hawak na folder at diretso akong tinitingnan. “Oo nga pala, kailangan mo nang makauwi ngayon,” "Oo Belen. Kailangan e," "Hindi na ako magtatanong," she pouted. "Ingat ka ha," "Thank you," sinarado ko na ang shoulder bag ko at umalis na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD