Episode 2
Malakas ang kabog ng t***k ng puso ko nang makapasok na ako sa isang kwarto ng pagdarausan ng meeting. Mabuti dahil hindi isa-isa ang pagbibigay ng ideas this coming summer nang mga department kun'di sabay-sabay.
Nakita ko na rin na nakaupo ang lahat ng representative at ilang Team Leader ng bawat Department. Parehas lang ng mga mukha tuwing mayroong meeting. Sila-sila pa rin katulad noon tuwing mayroong ganito. Puro babae na makakapal ang make-up sa mukha at pulang-pula ang mga labi. Malalagkit pa ang titig nito sa CEO na nakaupo sa kabilang dulo ng mahabang table na ito.
Umupo ako sa tabi ng naka Mini-Skirt. Tinaasan pa ako nito ng kilay kaya nginitian ko siya. "Hi!" bati ko sa kaniya pero inirapan niya lang ako. Tss. She 's so maarte and mataray like duh!
"Let's start." napatingin ang lahat ng kababaihan sa nagsalita. Kahit ako ay napatingin din sa CEO. Even his voice can melt the women’s heart. Ang OA ko. I silently laughed.
Wala kaming nagawa kun'di ang magsimula kahit kulang pa kami ng dalawang representative ng department . Kilalang kilala na namin ang CEO. Kahit bago pa lamang siya ay may mga patakaran na nasunod agad. He's scary. Walang gustong kumalaban o sumuway dito. Lalo na ang kumontra sa salita nito.
Naunang pumunta sa harap si Mae, ang representative ng katabi naming department. Tila wala akong narinig sa sinasabi nito. Hindi ako makapag-concentrate dahil pakiramdam ko ay nalulusaw ako sa titig ni Leroy, ng CEO ng kompanya. Crap! Namuukhaan n’ya kaya ako? Naaalala niya kaya ako? Tumingin na rin ako sa kaniya, hindi pa rin niya inaalis ang titig niya sa akin bagamat umangat ang gilid ng labi niya at iniwas na ang tingin sa akin at ibinaling kay Mae na nagsasalita sa harap tungkol sa Summer Activity ng kanilang Department.
"And one of our best is we would like to provide a promo this summer, a raffle." dagdag ni Mae.
Napataas ang kilay ng mga tao sa board maski ako.
Wow! Bakit hindi namin iyon naisip? Siguradong tataas ang sales kapag naglagay ng ganoong klase ng promo sa summer. Especially for couples! Daragsa ang mga couple sa summer and if we provide a raffle about a couple like they can have a free date movie or free dinner or out of the country date na sagot ng company, I'm pretty sure! Panalo ang company for this year!
Kahit ang CEO at ibang nakakataas ay na-curious. "What about the raffles Ms. Mae?” Mr. Leroy, the CEO, asked.
Ngumiti si Mae ng malawak. He got the CEO's attention and that's unbelieveable. No one can caught the attention of CEO unless he's interested. Mukhang mahihirapan akong maipanalo ang department namin.
"About the raffle, Mr. Leroy. We would like to add a raffle in our Summer Activity especially for couples, as you can see, dumarami ang nahihilig sa mga raffle especially to a lover, so, we'd like to add that in our activity this summer."
Tumango si Leroy ng ilang beses at parang nag-iisip. Para itong interesado sa activity.
Kumunot ang noo ko sa inis. Bakit kasi hindi iyon ang naisip ko?
“Malaki rin ang chance na malugi ang company, right, Ms. Mae?” Walang halong pampapahiyang tanong ng CEO kay Mae.
Saglit itong natigilan sa tinanong ng CEO pero nasagot din naman n’ya agad. Nagsalita pa ng kung ano-ano si Mae tungkol sa gagawin nila hanggang sa matapos na siya. "That 's all. Thanks for listening," pagkatapos niyang magsalita ay bumalik na siya at umupo na siya sa kinauupuan niya kanina.
Dumako ang aking tingin sa Ceo. Nakatingin rin pala ito sa akin kaya iniwas ko agad ang tingin ko. Naalala niya kaya ako? Sobra tuloy akong nahihiya sa ginawa ko noon. Ilang department pa ang nagsalita sa harap at kanina ko pa rin napapansin ang pagtitig talaga niya sa akin. Hindi ko maiwasang pagpawisan. Mas lalo akong kinakabahan sa pagtitig niya sa ‘kin!
“My turn,” bulong ko at tumayo na sa kinauupuan ko. Kailangan kong matapos nang maaga ang report ko para makauwi na ako. Kailangan ko pang puntahan si kuya. Bakit ba kasi nakulong na naman siya? Ano na naman ang nagawa niya?
"Miss," tawag sa akin ng CEO kaya humarap ako sa kaniya.
"Yes?" Inilibot ko ang aking tingin at halos sumabog na sa pula ang mga mukha ng taga-ibang department sa pagpigil ng tawa nila. What's funny?
“What’s your name?” Hindi ako makapaniwala sa tanong n’ya. Ilang Segundo pa bago ko nasabi sa kan’ya ang name ko. “Anna po,”
"Okay, Ms. Anna, I think you should go on the bathroom first before you report." aniya.
Kumunot ang aking noo dahil sa kan’yang sinabi. Ano ang ibig niyang sabihin? Bakit kailangan kong magpunta ng banyo?
"You have blood on top of your Long-Skirt, Ms. Anna."