Episode 1

854 Words
Episode 1 "Bakit may hawak kang gan’yan? Ano na naman ‘yan?" Nakakunot ang noo ni Belen na nakatayo sa harap ng desk ko. Tiningala ko siya. "Documents, i-present daw sa CEO. Di ba nga bawat department ay kailangan mag-present ng bawat gagawin this coming summer. Sa ating Department pala ‘tong documents akala ko sa ibang Department.” natawa ako sa aking tinuran. "At ikaw ang inutusan ni Mrs. Saavedra na mag-present n’yan?" medyo iritado niyang tanong sa akin. Tumango ako sa kaniya bilang sagot para matapos na rin ang usapan namin. "Ewan ko ba sa ‘yo Anna, diyan ka naman lagi magaling. Ang laging umunawa. Hindi mo ba nakikita? Lagi nalang ikaw ang inaasahan ni Mrs. Saavedra, at dahil iyon sa lagi mong hindi pagtanggi sa kaniya. Alam mo, pansin ko lang ha, parang ikaw na nga ‘yung Team Leader ng Department natin dahil halos ikaw na ang gumagawa ng gawain ni Mrs. Saavedra. Hindi mo ba nakikita? Hindi mo ba nahahalata? Wala ng ginagawa si Mrs. Saadvera." Mahabang sermon niya sa ‘kin. Hindi ko siya pinansin at hindi ko pinatulan ang lahat ng sinabi niya para hindi na humaba ang usapan naming dalawa. Umiling siya. “Sana matuto ka ring tumanggi.” Napatingin ako sa cellphone ko nang tumunog ito kaya agad ko itong kinuha at sinagot ang tawag. "Anak." "Inay, napatawag ka po," ani ko pagkarinig ko sa boses ni inay. "Anak, si kuya mo..." “Si kuya?” Natigil ako saglit at napatingin kay Belen, umiwas ito ng tingin sa akin. "Ano po ang nangyari kay kuya, Inay?" Nag-aalala kong tanong. "Anak... ang kuya mo.... kinuha na naman ng mga pulis... Anak tulungan mo ang kuya mong makalaya ng bilangguan... Hindi niya kaya ang buhay doon anak. Hindi ko alam kung saan kukuha ng pagpiyansa at kung paano siya palalayain doon. Wala rin tayong sapat na pera upang kumuha ng abogado. Hindi ko na alam ang gagawin ko." Humahagulgul na si Inay ng iyak. Mariin kong naipikit ang mata ko. Again, nakulong na naman si kuya, pangatlong beses na itong nangyayari. "Nay, gagawin ko po ang makakaya ko. Uuwi po ako ng maaga para mapuntahan po si kuya. Susubukan ko ring kausapin ang nagsampa ng kaso kay kuya." "Salamat, anak." matapos n'yon ay pinatay ko na ang tawag. Ibinaling ko ang tingin ko kay Belen. "Naghiwalay na naman ba kayo ng kuya ko, Belen?" Nag-iwas s’ya ng tingin at napakagat sa ibabang labi. "Alam mo naman Anna kung ano ang dinaranas ko sa piling ng kuya mo. I can't take him anymore! He 's possesive!" Napatungo na lamang ako. He just love her! Mahal lang siya talaga ng kuya ko. Bakit ba kasi si Belen pa? Naiintindihan ko si Belen. Dahil minsan ay hindi na ni Kuya mapigilan ang selos niya at nasasaktan na niya si Belen, physically. "Guys, break na!" Sigaw ng isa na ka-team namin. Si Cleo, iyan lagi ang tagapagsabi kung break time na. Tutal lagi niya iyong hinihintay kaya tumataba. Tumawa ako ng mahina. Nakatingin sa kaniya ang lahat ng tao sa loob ng department kasama na kami ni Belen. Lumakas na rin ang usapan ng bawat isa tutal ay lunch break na rin. Nasa labing isa kaming tao sa isang department kaya masaya rin dahil masasayang tao at kwela ang mga ka-team ko. Hindi ko alam kung ganito din bas a ibang departamento. "Maybe I should go," "Tama. Baka pigilan ka pa ng masugid mong manliligaw na si Brent ‘pag naabutan ka n’ya. Goodluck sa ‘yo, Anna." nakangiting saad sa akin ni Belen. Nagpapagaan ng loob ko. "Sira ka talaga. Hindi ko manliligaw si Brent. Friendly lang talaga ‘yong tao, ano ka ba!" Tumayo na ako sa desk ko at kinuha ang limang sliding folder na i-ppresent ko para sa department namin. "Hindi raw e kung umaligid sayo daig pa boyfriend mo. Pero alam mo, Anna, kung sakaling ligawan ka nga ni Brent. Sagutin mo na agad ha? Ang swerte mo kaya sa kaniya." "Ano ka ba, Belen! Wala pa sa isip ko ‘yang lovelife na ‘yan ha kaya tigilan mo ako, ang dami ko pang iniisip para sa pamilya ko para isingit ko iyan." "Ano ka rin ba! H’wag kang pabebe! Come to think of it, mayaman si Brent, kapag naging kayo tapos na ang problema mo sa pera. Guwapo siya at mukhang mabait. Loyal at stick-to-one s’ya, tingnan mo, ilang taon na ba siyang umaaligid sa ‘yo? Magtatatlo? Ang tiyaga ‘di ba?" Nang-asar pa talaga. "Ewan ko sayo, kung gusto mo ikaw na ang sumagot sa kaniya." "Gaga ka, Anna, paano ko sasagutin ‘yon e sa ‘yo nga nanliligaw? Pabebe lang?" "E ‘di ikaw ang manligaw! Ewan ko sa ‘yo bahala ka d’yan, baka ma-late pa ako sa meeting at hindi ko pa ‘to ma-present." She pouted. "Mag-lunch ka kaya muna, sabay na tayo." she suggested. "No thanks, Belen. Mauna ka na. Tatapusin ko muna ‘tong i-report bago ako mag-lunch. Thank you."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD