Hindi pumasok sa trabaho niya si Harley, at kagaya ng sabi niya ng magkausap kami kagabi ay inihatid nga niya ako kung saan kami magkikita bi Jean. Hindi siya pumasok kasi pupuntahan niya ang iba pang branch ng Desserts Paradise. Harley: sa shop na kayo mag-dessert ng kaibigan mo, call me when you get there. Okay? (Napangiwi ako sa sinabi niya, nakakahiya kasi.) I don't take no as an answer from you. Nawalan na ako ng choice dahil doon sa sinabi niya na 'yon. Dun naman tayo sa kasama ko na si Jean. Mabuti na lang at lagi na lang, late siya. Kung nauna siya malamang nakita na niya si Harley at baka hindi na makaalis si Harley kung nagkataon. Tinanong ako ni Jean kung bakit bigla ko na lang naisipan na mag-bonding kami. Sabi ko, kasi aalis na ako sa Sabado papuntang Cebu at six months ak

