Kanina ang bonding day namin ni Harley. Natapos na kasi niyang bisitahin ang lahat ng branch ng Desserts Paradise, kaya pwede na siyang makipag-date sa akin. Hihi. Akala ko talaga kanina aalis kami, pero ang sabi niya ay dito lang kami sa bahay magba-bonding para kasama rin namin si nanay at tatay. Okay sa akin ang idea na 'yon kasi kung lalayas kami isang araw ko lang sila makakasama, at bukas lang iyon. Pagdating niya sa bahay na dala siyang scrabble, domino, at jenga. Alas-otso pa lang nasa bahay na siya, at dito na rin siya sa bahay nag-almusal. Ang una naming nilaro ay domino, masyadong na-excite ang tatay ko ng makita niya 'yon. Wala pa yatang isang oras nanawa na agad sila ni nanay. Dapat magluluto si nanay, kaya lang pinigilan siya ni Harley at sinabi na magpapa-deliver na lang

