Sunday should be family day, pero nandito ako ngayon sa isang coffee shop. Dito ko napiling tumambay, not exactly tambay dahil dala ko ang sketch pad ko at laptop, pati na rin 'tong diary ko just in case na may mangyari sa super exciting at kailangan maisulat agad. *** Nakaubos na ako ng isang malaking frappe at isang slice ng oreo cheesecake, at may natapos na akong dalawang layout para sa villa. Apat na lang. May biglang lumapit na babae sa akin ilang minuto pa lang ang nakakaraan. Kung hindi nga siya naka-dress mapagkakamalan ko siyang t-bird, bigyan ba naman kasi ako ng limang sunflowers. Girly: excuse me miss, may nagpapabigay lang. Tanggapin mo, gwapo at malakas ang s*x-appeal ng nagpapabigay sa 'yo ng mga 'to. Bye. You see, kaya siya sumunod sa utos ng nag-utos sa kanya dahil

