Maaga akong pumasok kanina para mapaghandaan ang presentation ko kay Boss PJ. Yung project na pinahawakan niya sa akin ang kailangan kong i-present sa kanya bago sa mismong may-ari. Well, hindi naman talaga siya makakapag-reject pero syempre gusto muna niyang makita ang ipapakita ko kay Mrs. Abad. Wala namang nasabing pangit ang boss ko. Masaya naman ako. Sabi niya tatawagan daw niya si Mrs. Abad para magkaron na ng schedule ang presentation ko sa kanya. Expect ko daw within this week. May tinanong na din ako kay boss. Ako: Sir, pwede po magtanong? Boss PJ: what's that? Ako: diba po nagtanong ako kung pwede ako mag-leave for a week, and pumayag naman po kayo? Boss PJ: okay, so ano talaga ang tanong mo? Ako: if ever po ba pwede ako mag-extend ng vacation? If ever lang naman po. Hindi

