Sabi ni Boss PJ bukas daw ang schedule ng presentation namin sa mismong bahay ni Mrs. Abad, kaya pinayagan niya ako na mag-half day pero buo pa rin ang bayad sa akin. Para daw makapag-prepare ako at maayos ko na agad ang mga dadalhin ko para daw wala akong makalimutan. Maaga naman akong natapos mag-ayos ng gamit, at na-double check na rin ni madir. Nainip ako, kailangan ko ng clown...kaya tinawagan ko si Jean. Ako: domo nomo ohaio! Jean: pakyu! Ako: miss na kita. Jean: alam ko, alam kong nakaka-miss talaga ako. Teka, bakit malungkot boses mo? Anyareh? Ako: (nag-isip pa kung sasabihin sa kanya) break- Jean: pucha talagang mga lalake 'yan! Nako Mercedes-Benz 'wag na 'wag ka na ulit iiyak dahil lang sa lalake, tatamaan ka talaga sa 'kin. Ako: patapusin mo muna kaya ako bago ka maghura

