Saturday na talaga ng hapon ang alis ko, baliw talaga si Boss Roland. Kahapon pa pala talaga ako may ticket, in-echos lang niya ako na hindi pa sure kung Saturday or Sunday. Magkaron ka ba naman ng boss na kagaya niya, eean ko na lang. Sinabi ko na kay Verone kanina na babalik na ako ng Manila sa Saturday. Of course nagulat siya kasi biglaan. Verone: hindi pa tayo nakakapag-double date gaya ng sabi ng papabols mo. Ako: saka na lang, kapag nagkaron ng chance babalik kami dito. Natahimik naman siya, pumayag naman. Nag-uusap pa kami ng kung ano-ano ni Verone habang nagtatrabaho ng biglang may nagsalita sa likod namin. Adrien: can I talk to you for a minute, Ms. Lorena? Ako: okay Sir. Tungkol saan po ba? Hindi ako tumayo, pero tumingin naman ako kung nasaan siya. Adrien: in my office.

