Two months na pala simula ng sipagin ako na gumawa ng diary. Tingnan mo nga naman, sa umpisa ng diary ko parang sumuko na ako na maniwala na habang buhay ang isang tao may pag-asa. Two months na rin pala mula ng halos basagin ko ang mga salamin sa SportsZone dahil sa pagwawala ko sa pagkanta. Sa loob ng dalawang buwan ang dami na palang nangyari sa buhay ko. Nung ipadala ako ng company sa Bacolod para maging representative, nakilala ko si Stephen. Ipinagdasal ko pa man din na dana siya na ang The one ko, pero hindi pala kasi bading siya at ang lalake na boyfriend ko na ngayon ang type niya. Yung first time na nakausap ko si Harley ng matino nung nasa Calea kami at inilibre niya ako. Sa mga darating na araw kaya, ano naman kaya ang mangyayari sa buhay ko? *** Tinanong ko nga pala ang

