Paggising ko mabigat ang pakiramdam ko, dala ko pa rin yung lungkot ko kagabi. Pagtingin ko sa cellphone ko pagkagising ko ang daming missed calls and texts, galing kay nanay, tatay, at Harley. May email din akong na-received, kaya iyon na lang ang una kong tiningnan. Nanay, Tatay, Harley: HAPPY BIRTHDAY!!! Video ang laman ng email na natanggap ko, galing kay Harley. Nanay: akala mo nakalimutan namin ang birthday mo no? Hindi kaya. Tatay: nakakahiya naman kung makakalimutan namin ang birthday ng nag-iisa naming prinsesa. Harley: hindi talaga kita binati kanina dahil ang usapan namin nila nanay sabay-sabay ka namin babatiin. I'm sorry. I love you. Tatay: anong I love you pinagsasasabi mo dyan?! Hindi pa pwede, bata pa anak ko. Nanay: see this? (Inilagay ni nanay yung cake sa tapat n

