Pagdating ko sa bahay na tinutuluyan naming apat, nagtaka ako kasi akala ko nandito na sila dahil undertime nga silang tatlo, pero wala pa sila dahil sarado pa ang bahay at wala man lang bukas na ilaw. Pagbukas ko ng ilaw sa sala... HAPPY BIRTHDAY!!! Gusto ko maiyak kasi nandito sila. Si nanay, si tatay, si Harley, parents niya, saka sila Boss Roland, Mam Tin, Laurence, at Verone. Hindi pala gusto, kasi umiyak talaga ako! Hindi ko talaga inaasahan na nandito sila. Kakagaling lang ni Harley dito nung weekend tapos nandito na naman siya. Nilapitan at niyakap ako ni nanay at tatay. Kinamusta nila ako, tiningnan ang buong katawan ko, baka daw may nabawas o baka naman daw tumaba na ako. Natatawa na lang silang lahat sa kalokohan ng mga magulang ko. Ang daming pagkain. Tapos may decoratio

