Walang problema sa trabaho kaya natuloy kaming mamasyal. Kahit apat lang kami, nag-enjoy pa rin kami. May nakainan din kaming restaurant at panalo. *** Naiinis ako kay Harley. Every minute kung tumawag, akala yata maliligaw ako sa Cebu. Hello kasama ko kaya ang mga boss ko. Ang nakakainis pa bukod sa tawag siya ng tawag, kada tatawag siya he keep on asking if Adrien is with us. Gaahhhddd!!! Nakakainis. Pinagpatayan ko na lang siya ng cellphone. Pagdating ko ng bahay ng tinutuluyan namin saka lang ulit ako nagbukas ng cellphone. Pagkabukas ko benteng message yata ang unread messages ko, all from Harley. Boyfriend Harley calling... Ako: hello Harley. Kung plano mo na tanungin ulit ako kung kasama namin si Adrien, NO! Harley: I'm so sorry, love. I'm sorry. Ako: you should be really s

