Dinaan ko na lang sa simba ang nararamdaman ko. Ipinagdasal ko na sana hindi na maging seloso o mabawasan ang pagiging seloso ni Harley, kasi kung hindi iyon ang madalas naming pag-aawayan at ayokong mangyari iyon. Tinatanong ko ang sarili ko kanina kung mahal ko ba talaga si Harley kahit na sobrang seloso niya, at nag-flashback sa isip ko mula sa una naming pagkikita hanggang sa eksena na sinagot ko siya. Nakita ko kung gaano ako kasaya kapag kasama ko siya. Nakita ko sa mga mata ko yung kakaibang kislap, yung alam mo na masaya kang kasama ang tao na 'yon. I can see love. Mahal ko si Harley. I'm very sure of that. Because I love him, I should love his imperfections too but that doesn't mean wala na akong gagawin para magbago siya.

