bc

Revenge Turns Into Love

book_age18+
3
FOLLOW
1K
READ
revenge
love after marriage
drama
secrets
like
intro-logo
Blurb

Ella Kyrine Garcia is a strong and brave woman, marahil dahil na rin sa trabaho nito bilang stunt woman kaya siya matapang. She know how to use gun, in short marunong siyang makipaglaban.

Dahil sa nagyari sa kanyang kakambal napauwi sa probisya si Kyrine at doon nakilala ang binatang si Zache Villanueva isa sa mga taong kanyang paghihigantihan.

Ano kaya ang magiging kapalaran Ni Kyrine ngayong nakilala na niya si Zache Villanueva.

Mapalitan kaya ng pagmamahal ang dapat na sana ay paghihiganti.

Revenge?

Love?

What to choose?

chap-preview
Free preview
Episode 1- The Plan
Ella Kyrine POV "Krin anong gagawin natin?" tanong ng kakambal ko saakin. Bakas sa mukha nito ang takot at sakit " Jane dont worry gagawa tayo ng paraan para panagutin ang may gawa nito sayo". sagot ko. Habang paikot ikot sa loob ng kwarto ng kapatid ko We are identical twins, mukha, katawan maging ang boses ay parehung parehu , maliban na lang sa attitude na meron kami. Si Jane Kylie na aking kakambal ay isang mahinhin,malambing,mapagmahal at hindi kaya ipagtanggol ang sarili yan ang mga katangian na kabaliktara kay Ella Kyrine na matapang kayang lumaban at handang ipagtanggol ang kayang mga mahal sa buhay. Isa siyang Stunt Woman kaya alam niya kung paano makipaglaban at humawak ng ibat ibang armas. Wala na kaming mga magulang namatay sila 15 years ago because of a car accident. Simula noon tumayo na kami sa sariling daming mga paa at ginawang sandigan ang isat isa. Ng malaman ko ang nangyari sa aking kakambal agad akong umuwi sa province namin sa Tacloban. May nais pumatay kay Kylie at sa pamangkin ko na anak nito , dahil lingid sa kaalaman ng lahat ang aking kakambal ay kabit ni Mr. Eddie Villanueva ang pinakamayan sa province ng Tacloban nag mamay ari ito ng pinaka malawak na lupain sa nasabing probinsya at ilang mga hotel sa loob at labas ng bansa. "Krin natatakot ako,paano kong si Carl naman ang pagtangkaan at saktan nila" kylie said. "hindi ako makakapayag na pati pamangkin ko ay saktan nila" sabi ko. Alam ko na malapit kay Mr. Villanueva ang gustong pumatay sa kapatid ko, maaring isa ito sa myembro ng pamilya ni Mr. Villanueva, lalo na at alam nila na kabit ng lalaki ang kakambal ko. Maaring ang asawa nito na si Diane Villanueva ang nais magpapatay sa kapatid ko ng malaman nito na kabit si Jane ni Mr. Villanueva, o di kaya ang kapatid na binata ni Mr. Villanueva na si Zache Villanueva, maari ring ang mismong Ina ng Villanueva brothers. Sa ngayon wala dapat kaming pagkatiwalaan maliban sa aming magkapatid at kay Dr. Enzo Monticillo na matalik naming kaibigan since day one. " Jane may plano ako, since we are identical twins at hindi alam ng mga Villanueva na may kakambal ka magpapanggap ako bilang ikaw." mahabang kong sabi. " krin di kita maintindihan." naguguluhang sabi ni Jane. " for the meantime habang hindi pa natin nasisiguro ang kaligtasan mo maging ng pamangkin ko, magpapalit tayo ng pagkatao" sabi ko. "pero Krin pano pag nahalata nila tayo siguradong ikaw naman ang mapapahamak." pag aalala nito. "dont worry Jane i can take care of myself, but for now dito ka lang mo na, magpagaling ka" sabi ko. Dahil sa pagtangkang pagpaslang sa kakambal ko napuruhan nito ang kanyang binti. Kelangan nito gumamit pan samantala ng wheelchaire sapagkat hindi pa nito kaya ang maglakad. Hindi nito namalayan na may paparating nang sasakyan ng siya ay patawid galing sa pag grocery. Alam kong hindi iyon aksidenti, at ngayong nasa panganib ito kailangan na mag panggap ako bilang si Jane para mahuli kung sino ang nais pumatay sa kapatid ko. Bigla namang bumukas ang pintuan ng silid at iniluwa si Dr. Enzo. " Zen pwedi bang ikaw lang muna ang bahala ky Jane habang wala ako" sabi ko kay Enzo " bakit Krine saan ka pupunta?." tanong nito. " may aasikasuhin lang ako, tutuklasin ko kung sino ang mastermind na gustong pumatay sa kakambal ko" sagot ko. "sige mag iingat ka" enzo said at tumango lang ako bilang tugon. __________________________ Kyrine POV After 1 month Nasa sala kami ng kakambal ko, binuksan ko ang tv tamang tama news ang palabas " MALUNGKOT NA BALITA NGAYON PA LAMANG. MR. EDDIE VILLANUEVA ISA SA MGA NASAWI SA PLANE CRASHED SA LUZON ." ayon sa tv broadcaster " no Eddie, di ka pweding mawala paano na lang kami ng anak mo" iyak ng kapatid ko. " jane tahan na wala na tayong magagawa." pang aalo ko pa. "krine wala na si Eddie, di ko alam anu ang gagawin ko lalo na ngayon na may gustong pumatay saakin." iyak parin ng iyak ang kapatid ko. Lumipas ang mga araw pagkatapos ng pagluluksa kay Eddie Villanueva, pinatawag ang kapatid ko maging ang aking pamangkin ng Lawyer ni Mr. Villaneuva. Babasahin na raw ang Will And Testament na iniwan nito. Nais ng Abogado na pumunta si Jane sa mansyon ng mga Villanueva dahil doon babasahin ang will and testament Dahil sa hindi ako sigurado sa kaligtasan ng kapatid ko. Nagpanggap akong Si Jane at ako ang pupunta sa mansyon nga mag Villanueva kasama ang aking pamangkin. Nasa loob kami ng silid ni Jane kasama ang anak nito at si Enzo. " Krine mag iingat kayo, ingatan mo si Carl" sabi ni Jane " dont worry Jane ako na ang bahala sa Pamangkin ko." pag bibigay ko ng assurance dito. " Sana lang ay hindi ka nila mahalata at mapaniwala mo sila." sabi pa ng kapatid ko "for sure hindi sila makakahalata dahil magka mukhang magkamukha tayo. " sabi ko pa. Nag ayos na ko ayon sa pananamit ni Jane, Naka long dress at inilugay ko lang ang mahaba at maitim kong buhok at umupo sa wheelchair. Si Enzo ang maghahatid sa amin ng aking pamangkin sa mansyon ng mga Villanueva. Bago pa kami umalis. Pinaupo ko Si Carl sa akin habang tinutulak ang wheelchair ni Enzo "Jane aalis na kami, mag iingat ka dito." paalam ko pa. " mag iingat din kayo Krin" sagot nito. _______________________________ Jane POV Kinakabahan ako sa planong ito ni Kyrine. Sana lang ay magtagumpay ito na malaman kung sino ang nagtatangka sa buhay ko. Hindi alam ng mga Villanueva na may kakambal ako maliban kay Eddie. Ng gabing nasagasaan ako at tinamaan ang aking paa bibili sana ako noon ng pagkain naming mag ina. Hindi ko namalayan na may sasakyang palang padating sobrang tulin nito kaya hindi ko na nagawa pang makaiwas. Mabuti na lang at hindi ako natuluyan. Alam ko na sinadya iyon dahil sa simulat sapul hindi matanggap ng pamilya ni Eddie na hindi na ito masaya sa piling ng kanyang asawa. Alam ko naman na masama na minahal ko si Eddie dahil sa may asawa na ito. Kahit na alam ko balang araw ay guguluhin ako ng pamilya nito. "diyos ko kayo na po ang bahala sa kapatid ko lalo na sa anak ko, huwg niyo pong hayaan na pati sila ay mapahamak" usal ko sa panginoon. ___________________________ Kyrine POV Nang dumating kami sa mansyon ng mga Villanueva sinalubong kami ng isa sa kanilang mga housemaid. "good morning maam Jane dito po tayo sa sala kanina pa po kayo hinihintay" sabi ng katulong tumngo lang ako dito bilang tugon. Habang sakay ako sa wheelchair at kandong ko si Carl lihim akong nananalangin na sana ay hindi ako mabuko na hindi ako si Jane. " relax Krine hindi nila mahahalata na hindi ikaw si Jane" pagpapakalma ni Enzo saakin na siyang nagtutulak sa wheelchair. Nadatnan namin sa sala ang Pamilya Villanueva, nandoon si Donya Anastacia na ina ni Mr. Eddie, ang Asawa nito na si Diane maging ang kapatid nito na si Zache Villanueva. Lahat sila nakatingin sa amin lalo na sa akin. "good morning Ms. Jane Kylie Garcia dito po tayo" sabi ng abogado. Umupo naman si Enzo malapit sa akin. " As you can see before the accident happened to Mr. Eddie Villanueva inayos na niya ang kanyang will" saad ng abogado na nakatingin sa an ng lahat. "ayon sa nakasulat dito, na ang mansyon ay 50% sa kanyang ina na si Donya Anastacia at 50 % sa kanyang Kapatid na si Zache Villanueva." saad ng abogado " ang sa mga hotel at other business 30% kay Ms. Diane 30% kay Donya Anastacia at 30% kay Zache 10% kay Ms Jane Kylie." dugtong pa ng abogado. Tumingin naman silang lahat sa akin. "ang hacienda naman ay ipapamana sa anak ni Mr. Eddie Villanueva na si Carl Garcia Villanueva ngunit makukuha lamang ng bata ang mana nito pagtungtung sa edad na 18. Sa ngayon mapapunta ito pansamantala kay Zache isa siya sa magiging legal guardian ni Carl hanggang sa legal age ng bata" saad ng abogado " may nais ring mangyari si Mr. Villanueava nais nito na pakasalan ni Zache si Ms. Jane Kylie para hindi lumabas na bastardo ang anak nito at sa mansyon maninirahan ang mag ina, kapag hindi pumayag si Zache na pakasalan si Jane ay ang lahat ng ariarian mapupunta sa charity." mahabang linya ng abogado. Tahimik pa rin akong ng nakikinig sa sinasabi ng abogado. Masama naman ang ipinukol sa akin ng mga ito lalo na ang Zache na sinasabi ng abogado. " i wont marry that woman" galit na sigaw ng Zache na ito. " pero Mr. Zache kung hindi mo pakakasalan ni Ms. Jane lahat ng ariarian ng namayapa ay mapupunta sa charity" sabi ng abogado "wala na bang ibang paraan maliban sa pakasalan ang babaeng ito" lintaya nito sabay tingin sa akin ng masama Kung nakakamatay lang ang pagtitig ng masama malamang kanina pa ako nakahandusay dito dahil sa tingin na ipinupukol saakin ni Zache Villanueva. "wala ng iba Mr. Zache tanging ito lang ang kondisyon ng kliyente ko" sabi ng abogado. Napahilamos na lang ng kamay si Zache. "attorney hindi ko maaring tanggapin ang 10 % share ko sa mga negosyo ni Eddie hindi ko naman iyon kailangan kahit para na lang sa kinabukasan ng aking anak ay sapat na saakin." saad ko pa. " hindi mo maaring tanggihan ang mana na ibigay saiyo ng aking client Ms. Jane ayon nga dito kung sino ang di susunod sa kondisyon ng aking kliyente ni isa sa inyo walang manang makukuha." mahabang paliwag ng abogado. Nanahimik na lang ako. Makalipas ang ilan pang minutong pag uusap napagdesisyonan ng mga Villanueva na magpapakasal si Zache at Jane alang alang narin sa mga iniwan ni Eddie. _________________________ Kyrine POV Matapos ang pag uusap sa bahay ng mga Villanueva umuwi na kami. Kailangan paghandaan ko ito dahil palagay ko na may pinaplano ang Zache na iyon. Pagbaba na pagbaba namin ng sasakyan agad na tumakbo si Carl sa Kakambal ko. "Mommy" sigaw nito habang tumatakbo papunta sa ina. Kung hindi ko nababanggit Carl is 4 years old. malambing ito at napapakiusapan sa mga bagay bagay. Agad naman akong bumaba sa wheelchair. kakapagod pala ang magpanggap bilang mabait at mahinhin, malayo sa tunay kong katangian. "hay nakakapagod pala ang umupo ng matagal sa wheelchair na to." sabi ko pa kay Enzo na kabababa lang din sa driver seat. " magtiyaga ka Krine ikaw ang may idea nito" sabi pa nito habang nakangiti. Pumasok na kami sa loob ng bahay habang tulak tulak ko si Jane at kandong nito si Carl. "kumusta ang lakad niyo"? panimula ni Jane Sinabi ko dito ang mga mana na ibinigay sa kanya maging kay Carl. " ngunit Jane may kondisyon si Eddie na ginawa, nais niya na magpakasal ka sa kapatid nito na si Zache para maging legally Villanueva ang pamangkin ko, siya rin ang isa sa tatayong legal guardian ng bata hanggat sa mag 18 si Carl at doon din kayo sa mansyon maninirahan ayon sa will and testament nito." mahaba kong sabi. Nag' aalalang tumingin sa akin si Jane. "at wag kang mag alala tuloy paring ang plano natin,magpapanggap parin ako na ikaw, ako ang magpapakasal sa Zache na iyon sa katauhan mo" dugtong ko pa. "pero Krin mas mapanganib lalo na at doon kayo titira ni Carl sa poder ng mga Villanueva." saad ng kakambal ko bakas sa mukha nito ang pag aalala " mag iingat naman ako twin sister, isa pa mabuti na to na ako ang pupunta doon kaysa ikaw atleast ako kaya kong protektahan ang sarili ko" sabi ko pa. " huwag ka nang mag alala pa Jane araw araw akong bibisita sa kanila doon." dagdag pa na sabi ni Enzo. "at palagi akong mag uupdate saiyo kung anu ang nangyayari sa mansyon." dugtong ko pa. "sige payag na ko pero mag doble ingat kayo, at ingatan mo itong pamangkin mo" sabi pa nito. Tumango ako dito na nakangiti bilang tugon. ___________________________ Kyrine POv Sa paglipas ng mga araw dumating na nga ang kasal ng Kapatid ko at ni Zache, ayon parin sa plano aku ang humarap dito bilang si Jane. "You are now Husband and Wife" saad ng pari na nagkakasal sa amin Isang simpleng kasal lamang ang na ganap. Ako bilang Jane , ang pamangkin ko na si Carl at Enzo lamang ang dumalo sa kasal na iyon at ang Pamilya Villanueva maging ang malalapit na kamag anak nito. Pagkatapos ng ceremonya umuwi na kami sa mansyon, walang ginanap na honeymoon o anu pa mang kinasanayang ganap tulad ng mga ordinaryong kasal. Pagdating sa mansyon agad kong kinausap sa Zache " Zache sandali lang" sabi ko na akma na itong aakyat papasuk sa silid nito. " As you can see ayoko talagang tumiri dito pero dahil narin kay Eddie napipilitan ako." sabi ko "at sino naman ang may sabi na gusto karin namin na tumira dito" galit nitong sabi " ok alam natin na pareho tayong disgusto sa sa isat isa, para walang gulo nais kong sa white house kami mamalagi ng anak ko kasama ang Yaya ni Carl" mahabang kong sabi. "bahala ka kung anu ang gusto mong gawin." sabi nito. Inihatid na nga kami ni Enzo sa white house kasama si Sue na Yaya ni Carl. "Krin aalis na ako, mag iingat kayo" pag papaalam nito " mag iingat ka rin, salamat sa pagsama hanggang dito sa Mansyon ." saad ko "wala yon tulad nga ng sabi ko kay Jane na palagi ko kayong bibisitahin dito" sabi pa nito Ngiti lamang ang naging tugon ko dito. Karga karga nito si Carl dahil nakatulog na rin sa sobrang pagod. Ipinasok muna ito ni Enzo sa kwarto bago nag paalam. Dahil sa hindi ako pumayag na sa mansyon ako tumira mas pinili ko dito sa white house na sa labas lang din naman ng masyon, atleast dito magagawa ko ang gusto ko na walang mga matang nakamasid sakin. Pagpasok na pagpasok ko sa silid namin ni Carl agad kong inilock ang pinto at bumaba sa wheelchair. Naligo mo na ako at nagpalit ng pangtulog, pajama at tshirt lang ang isinuot ko. Pagkatpos ay tinawagan ko naman ang Kakambal ko. "hello Krin kumusta kayo jan?" bungan ng kapatid ko sa kabilang linya "ayos lang kami dito, ito si Carl tulog na dahil din sa pagod" sabi ko pa " mabuti naman kong ganun, yung kasal kumusta hindi ba sila nakahalata?" sabi ni Jane "Hindi naman, smooth naman ang plano natin at mukhang naniniwala naman sila na ako nga ikaw. " sabi ko May kumakatok sa pintuan. "teka Jane tatawag na lang ako ulit, may kumakatok sa pintuan . " putol ko pa sa pag uusap namin ng kakambal ko. "sige mag iingat kayo." sabi pa.nito. "ikaw din" ganti kong tugod tugon Agad akong umupo sa wheelchair at pumunta sa pintuan. Pagbukas ko ..... "Bat ba ang tagal mo magbukas ng pinto?" bulyaw ni Zache at bigla na lang pumasok sa silid ko. Naka pantulog na rin ito. "ano ang ginagawa mo dito?" tanong ko . "dito ako matutulog" sabi nito sabay higa sa kama ko " no hindi pwedi Zache" sabi ko sabay lapit ko sa paanan ng kama na sakay parin ng wheelchair at hinihila ang kanyang paa. walang hiyang hinayupak na to, balak talaga na dito matulog sa kama ko. Ang bigat niya ha. "ano ba Jane" galit na sabi nito at tumingin saakin ng masama. Panay ang hila ko parin sa kanyang paa. Biglang tumayo ito sa pagkakahiga sa kama ko at binuhat ako na parang bagong kasal at itinapon ako sa kama. "aray!!! " daing ko pa " di man lang naawa gusto pa yata dagdagan ang pilay ko sa paa" sabi ko pa sabay irap sa kanya. " bagay lang yan sayo" sabi pa nito at humiga sa couch na mahaba. " dito na lang ako sa couch dahil ayokong makatabi ka sa pagtulog" dugtong na sabi nito sabay tingin saakin ng masama. Kaya siguro dito to matutulog para manmanan ako. sabi ko sa isip ko. Natulog na rin ako ng makita ko sa couch na tulog na si Zache. Pero ilang oras na ang nakakalipas di ako dalawin ng antok, tiningnan ko ang oras 11:20pm na. Mayamaya naramdaman ko na nagising si Zache,tumayo ito at papunta sa akin. Nagtulog tulogan naman ako. Tumayo siya sa may paanan ko at bigla na lang nito kiniliti ang talampakan ko. Sinisigurado nito kung talagang walang pakirdam ang mga paa ko. Kahit na kiliting kiliti na ko ,pinipigilan ko ang sarili ko na mapatawa at maigalaw ang mga binti ko. Talagang sinusubukan ako nitong si Zache. Nakaisip ako ng paraan. Kunwari ay nag change position ako sa pagtulog at tinadyakan ko ito. Bumagsak si Zache at sinilip ko na napangiwi ito sa sakit ng balakang. Lihim akong napangisi. Tumayo si Zache na paika ika at tingnan ang mga paa ko kung talaga bang tinadyakan ko siya gayong ang alam niya na hindi ko kaya igalaw mag isa ang mga binti ko. Pailing iling ito na bumalik sa couch at natulog na lang. _______________________ Zache POV Kinabukas maaga akong nagising, tiningnan ko si Jane at si Carl na pamangkin ko rin mahimbing pa ang tulog ng mga ito. Hindi ko talaga alam kong tinadyakan ba ako kagabi ni Jane o natabig lang ako ng gumalaw ito. Iwan ko ba at hindi ak nag titiwala sa babaeng ito. Pakiramdam ko may tinatago ito na kailangan kong alamin kung ano iyon. Ayoko naman talagang magpakasal sa ng aking kapatid, pero iniisip ko na rin ang aking pamangkin. Isa itong tunay na Anak ni kuya Eddie tunay na Villanueva kaya di ko nais na maging bastardo ito. Huwag lang magkakamaling galawin ng babae ang aking pamilya lalo na si ate Diane na siyang sobrang nasasaktan sa pagkawala ni Kuya Eddie at ngayon dito pa nakatira ang kabit nito at anak. Galit ako sa babaing ito dahil sinira nito ang pamilya ng kapatid ko. Kaya napagdesisyonan ko na pumayag na lang sa kondisyon ng will and testament ng aking kapatid na pakasalan ito para mabantayaan ko na rin ang bawat galaw nito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Hiding The Mafia Boss Daughter [TAGLISH]

read
145.9K
bc

Angel's Evil Husband

read
269.0K
bc

Agent Series 18: Black Lipstick ( R-18 SPG)

read
97.8K
bc

THE EVIL STRANGER: MAFIA LORD SERIES 12 (R-18 SPG)

read
105.0K
bc

Dangerous Spy

read
322.5K
bc

MY MASTER: MAFIA LORD SERIES 11

read
58.0K
bc

Denver Mondragon

read
68.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook