*Kring* *Kring* *Kring* “Hello?” Bungad ko matapos sagutin ang call sa aking telepono. “Buksan mo tv mo, ngayon na.” Natatarantang sambit ni Ryen kaya napakunot naman ang aking noo. “TV? Nasa opisina pa ako.” Nakanguso kong sambit habang nag tataka. “Buksan mo cellphone mo, pumunta ka sa balita.” Seryoso niyang sambit. At sa hindi malaman lamang dahilan ay bigla nalang akong kinabahan. Matapos kong buksan ang balita sa aking cellphone, agad na bumungad ang pangalan at mukha ni Achilles. He’s in the news. Mabilis pa kay flash ang naging reaction ko. Bumagsak ang aking hawak hawak na cellphone at nakaramdam bigla ng panlalamig ang aking buong pag katao. “Achilles Chavez Milaro.” Bigkas ko sa pangalang naka paskil sa balita. “Saraiah.” Pag tawag ni Ryen sa kabilang linya dahilan para

