When I woke up, hindi ko na alam kung saan akong kwarto napunta.
Bumungad sa akin ang nakakasinag na liwanag na nag mumula sa bintana ng kwartong tinulugan ko. Dahan dahan kong iminulat ang aking mata at agad na napabalikwas matapos mapansin na nasa ibang kwarto ako.
"Holy shít." Gulat kong sambit.
Ang una ko agad napansin ay ang bedsheet. Hindi siya 'yung cotton na gamit ko sa bahay. This was smooth, expensive, and cool against my skin, Satin? Silk? I don’t even own anything like this. Tumingin ako sa paligid. The headboard behind me was tall, black, and padded, like something out of a luxury hotel. The mattress felt like clouds firm yet soft, as if it was meant to make you forget the world. Super comfortable niya, pero nasaan ba akong bahay?
Inilibit ko ang aking paningin nang dahan-dahan. Nasaan ba kasi talaga ako? The room was huge. As in, yung laki niyang parang isang buong condo. "Grabe, wala pa 'to sa kalahati ng kwarto ko." Nakanguso kong sambit.
The walls were dark, matte black or deep charcoal at sa ceiling, may chandelier na parang constellation ng glass bulbs, all softly glowing. Hindi nakakasilaw, pero sapat para makita ang bawat sulok. Kahit wala masyadong natural light, hindi siya nakakakaba. It felt… warm. Intimate. But unknown. Ang tanging liwanag na makukuha mo mula sa labas ay yung mismong tapat ng kama.
I sat up and the bedsheet was still covering half of my legs. I already checked myself, walang nawala sa damit ko, walang masakit sa akin, pero bakit kasi nasa ibang bahay nga ako? Hindi naman 'to bahay nila Ryen.
Napatingin ako sa sahig, black hardwood, sleek and spotless. At sa may dulo ng kama, may carpet na kulay itim din, mukhang sobrang lambot. Halos ayoko apakan. Sa kanan ko, may malaking floor-to-ceiling windows, and beyond them, the city. Kitang kita ang pag angat ni haring araw mula dito.
May leather chair sa isang sulok, and on the other side of the room, I saw books arranged neatly on dark wooden shelves and a desk with a closed laptop and a single, uncapped pen.
Lahat ng bagay dito ay naka ayos. Walang kalat. Walang kahit anong trace ng ibang babae, no makeup, no hairbrush, no perfume bottles kaya alam mo agad na lalaki ang tumitira sa bahay na 'to. Just cold elegance. Masculine. Powerful. Controlled.
I look at the clock, it's already 4:00 AM in the morning. I should leave bago pa ako makita ng may-ari. Nakakahiya!
Lasing lasing pa kasing kagagahan, ayan hindi alam san siya nauwi nalang bigla.
Mabilis ang naging kilos ko ngunit tahimik para hindi maka abala at hindi makarinig ng ingay kung sakali mang tulog pa ang may ari.
"How did I endup here?" Inis na tanong ko sa aking sarili.
Nang makauwi ako ay bumungad agad si Ryen at Annaya na hinihintay ako.
"At saan galing ang prinsesa na nawala kahapon?" Taas kilay na tanong ni Ryen.
"Iniwan niyo ako." Depensa ko sakanilang dalawa.
"Anong iniwan e bigla ka ngang lumabas sa VIP room tapos hindi ka na namin natagpuan. Halos binaliktad na namin buong bar ni Jayden." Masungit na sambit ni Annaya kaya napanguso ako.
"Saan ka umuwi, at saan ka natulog?" Seryosong tanong ni Ryen.
Natahimik ako at mabilis na kumabog ang aking dibdib.
Wala akong maalala na nangyari kagabi bukod sa pag labas ko ng VIP Room. Ni hindi ko nakita ang mukha ng lalaking nag uwi sa akin.
"I don't know." Nakanguso kong pag amin.
"Pero he looks mayaman, grabe yung bedroom, wala pa sa kalahati ng kwarto natin." Biro ko, trying to avoid Ryen's serious face.
"Hindi kwarto ang tanong ko." Naka taas kilay niyang sambit.
"Alright, eto na." Reklamo ko at tuluyan ng sumuko.
"I actually didn't know okay? Nagising ako, mag isa lang ako sa kama, walang natanggal sa akin, walang masakit pero nasa ibang kwarto." Mahabang paliwanag ko.
"Nakita mo ba yung lalaking nag uwi sa'yo? Baka mamaya namolestíya ka." Seryosong sambit ni Ryen.
"Hindi naman siguro." Nakanguso kong depensa.
"Hindi ko rin nakita ang mukha niya, bukod sa walang picture frame ay hindi na ang nag explore sa kanyang kwarto. Nag mamadali akong umalis sa takot na maabutsn niya ako." Mahaba kong paliwanag.
"Kung saan saan ka kasi nag sususuot." Reklamo ni Annaya na mas lalong ikinanguso ko.
"Sorry na." Sambit ko.
"Paano kung na rápe ka? Nabastos? Ni hindi mo nga ata maalala pinag gagagawa mo." Taas kilay na sambit ni Ryen.
This is why I love my friends, hindi rin nila ako hinahayaan mapahamak, mother figure talaga sila lalo na sa akin.
"Grabe ka naman magalit, mag anak ka na please." Biro ko at agad na napangiti si Ryen.
Buti nalang talaga alam ko kung paano kuhanin ang kiliti niya.
"Kasi naman, nag aalala kami sa'yo." Dagdag pa ni Annaya.
"Hindi ba kayo natulog?" Tanong ko.
"Paano makakatulog kung yung may ari ng bahay kung nasaan kami ngayon ay hindi matagpuan?" Reklamo ni Ryen.
"Muntik na nga kami tumawag ng pulis kong hindi ka pa nakakauwi e." Natatawang sambit ni Annaya.
"What if one night stand nangyari?" Biro ni Ryen.
"HOY! MAG TIGIL KA." Gulat kong sambit na medyo napalakas.
"What if lang naman e, saka sabi mo lalaki yun." Tumatawang sambit ni Annaya.
"Ang bilis talaga ng karma 'no?" Biro pa ni Annaya kaya napanguso ako.
"Masakit ulo ko, nahihilo ako." Sambit ko at akmang aalis ng may naalala ako.
"Ah nga pala, mukha namang mabait siya." Sambit ko na dahilan para tumaas ang kilay nilang dalawa.
"What do you mean?" Tanong ni Ryen.
"Nung nagising ako meron na agad gamot para sa sakit ng ulo sa may side table, may letter din na kasama pero para sa akin nalang kung ano naka sulat doon." Sambit ko sabay pakita ng isang sachet ng gamot.
"Mabait nga." Makahulugang sambit ni Ryen na ikinapag taka ko pero ipinag sawalang bahala ko nalang ulit.
Nang makapasok ako sa kwarto ay saka ko lang din naman naisipan na basahin ang letter na nakalagay kasama ng gamot.
"Drink this after you eat breakfast, para sa hang over mo. And also, use ice para sa mata mo na namamaga. You're crying last night, thank God I can calm you. Have a nice morning head, Woman. — 3S."
"3S?" Sambit ko.
"Familiar." Bulong ko habang iniisip kung sana ko ba narinig ang 3S na yan.
Hay bahala na nga! Inaantok ako.
Nagising ako ay pasado ala una na ng hapon.
"Gising na ang prinsesa. Uminom ka na ng gamot?" Tanong ni Ryen.
"Hindi pa, nasaan si Annaya?" Tanong ko nang mapansin nawala si Annaya sa condo.
"Sinundo ng kaniyang partner, may date." Sambit ni Ryen.
"E ikaw?" Takang tanong ko.
"Warla, saka wala kang kasama." Natatawa niyang sambit.
"Kumain ka na para mainom mo na yung gamot galing sa hindi mo naman kakilala." Natatawang sambit no Ryen kaya napanguso ako.
Habang kumakain ako ay bigla nanamang pumasok sa isip ko ang 3S.
"Ryen! may tanong ako." Sambit ko kay Ryen na busy manood.
"Ano?" Tanong niya.
"May kakilala ka bang 3S?" Tanong ko.
Agad na umangat ang kilay ni Ryen at agad na nag isip.
"Familiar kasi sa akin, kaso hindi ko matandaan saan ko narinig yan saka kung sino siya." Nakanguso kong sambit.
"Wala akong kakilala na 3S." Sambit naman ni Ryen at muling ibinalik sa tv ang kaniyang atensyon.
Napabuntong hininga nalang ako at napakamot sa ulo.
"Hindi naman siguro expired o lason ang gamot na binigay niya hindi ba." Natatawa kong sambit.
"Dalhin nalang kita ospital kapag bumula bibig mo." Pang gagatong ni Ryen kaya napa irap ako.
"Bwisét ka talaga kahit kailan." Natatawa kong sambit.
"Oy pero seryoso Saraiah, hindi mo talaga matandaan? Kahit yung facial features, yubg name? Yung mukha?" Sambit ni Ryen.
"Wala talaga akong maalala, promise. Kahit nga pinag gagagawa ko wala e, what more yang ganyan pa." Kamot ulo kong sambit habang nakanguso.
"Kaya hindi ka talaga pwedeng pina iinom ng basta basta e. Bilis na nga malasing, black out pa sa lahat." biro ni Ryen.