Pag gising ko ay masama pa rin ang loob ko. Halos mag iisang buwan na kaming nasa Paris at sa loob ng halos isang buwan ay walang paramdam si Achi sa akin. "Bakit ba masama nanaman timpla mo?" tanong ni Ryen sa akin kaya bahagya akong napanguso. "Wala, may naalala lang na démonyo." Sambit ko at umismid na. Napipikon talaga ako kapag na aalala ko. Grabeng vacation niya yan, walang paramdam. Ano yan hanapin muna sarili niya? Kainis ah. "Ano ba kasing nangyari?" Pangungulit ni Ryen kaya wala na akong nagawa kung hindi ang aminin nalang din. "Hindi nag paparamdam si Achi sa akin. Almost one na." Naiiyak kong sambit. "Bakit?" Tanong ni Annaya. "Hindi ko rin alam. Huling usap namin ang sabi niya lang naman may vacation sila." Pag amin ko. "After non?" Tanong ni Ryen. "Wala na, wala ng p

